33.8 C
Manila
Miyerkules, Hulyo 22, 2026

Gawad Carlos Padilla 2026, pagkilala sa mga mambabatas

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG Gawad Carlos Padilla ay mataas na pagkilála sa mga mambabatas na may natatanging ambag o nagawa túngo sa pagsusulong, pagpapalaganap, pagpapayabong, at preserbasyon ng wikang Filipino.

Bukás ang nominasyon sa mga dati at kasalukuyang mambabatas—laláki man o babae—mula sa mga lokal na yunit ng pamahalaan, Kongreso, at Senado na mayroong naipasang batas tungkol sa mga wika sa Pilipinas.

Para sa lokal na yunit ng pamahalaan, kinakailangang may naipasang hindi bababa sa dalawang ordinansang pangwika. Para sa Kongreso at Senado, kinakailangang may naipasang hindi bababa sa isang batas pangwika. Nararapat na patuloy pa ring ipinatutupad sa nasasakupang bayan at sa bansa ang mga naturang batas.

Ang mga nominado ay magmumula sa rekomendasyon ng indibiwal o pangkat mulâ sa loob at labas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Pára sa nominasyon, ihanda ang limang kopya ng sumusunod ng mga dokumento:

  • Pormularyo sa Nominasyon <https://bit.ly/3QQGlG1>;
  • Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kwalipikasyon ng nominadong indibidwal na may lagda ng nagnomina;
  • Curriculum vitae; at
  • Mga pruweba sa katipunan ng mga batas na nakapag-ambag sa mga wika sa Pilipinas
  • Ilagay sa isa o higit pang expandable envelope ang mga tinukoy sa bílang 6 at ipadalá sa adress na nása ibaba:

Lupon sa Dangal ng Wika 2026

Komisyon sa Wikang Filipino

2/P Gusaling Watson, 1610 Kalye J. P. Laurel,

San Miguel, Lungsod Maynila

Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa Hunyo  8, 2026, 5:00 nh.

Gagawaran ang isang mambabatas mula sa lokal na yunit ng pamahalaan, Kongreso, at Senado. Maaari ding walang tatanghaling magwawagi sa alinmang kategorya.

Ang pasya ng Lupon ng Inampalan ay pinal at hindi na mababago.

Ang tatanghaling Gawad Carlos Padilla 2026 ay tatanggap ng naturang gawad sa Agosto 14, 2026.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -