MASAYANG iniulat ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagdalo sa 2026 Brigada Eskwela ng Diosdado P. Macapagal Elementary School sa Tatalon, Quezon City kamakailan.

Narito ang kanyang ulat.
“Lubos ang aking kagalakan na makibahagi sa 2026 Brigada Eskwela Bayanihan sa Paaralan ng Diosdado P. Macapagal Elementary School sa Quezon City kaninang umaga (Martes, Hunyo 2, 2026).

“Kasama ang ilang kawani ng Office of the Vice President, nilinis at inayos natin ang ilang silid-aralan, at nagbigay ng mga karagdagang gamit-panlinis at pintura. Hinandugan rin natin ang paaralan ng OVP 90th Anniversary Coffee Table Book kasama ang layunin na makakatulong ito sa paghubog ng kanilang kaalaman.
“Sa ating mensahe, hinikayat natin ang mga magulang na huwag tumigil sa pagsuporta sa edukasyon ng kanilang mga anak dahil susi ito sa pagbabago ng kanilang buhay.
“Mahalaga rin para sa atin ang ganitong programa dahil ipinapakita nito na ang isang komunidad na nagtutulungan ay malayo ang naaabot, lalo na para sa kapakinabangan ng mga Pilipinong mag-aaral.”



