27.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Cayetano inimbitahan ang minority block na magpulong bago ang flood control hearing; minority bloc  nanawagan na magbitiw siya bilang senate president

- Advertisement -
- Advertisement -

INANYAYAHAN ni Senate Speaker Alan Peter Cayetano ang minority bloc na magpulong bago ang flood control hearing sa Hunyo 4 sa kanyang Facebook Live nitong Martes, Hunyo 2.

“So tanungin ko po kayo, gusto niyo mag-sesyon tayo, pero gagamitin nila yung numbers dahil po doon sa hindi makapasok si Senator Bato at dahil ikinulong nila si Senator Jinggoy; at tinatakot ‘yung mga iba naming kasama na susunod na kayo; tapos hihintayin kung may event or di pwede ‘yung isa naming kasama or nag-CR lang, tapos papalitan yung mga miyembro ng committee, so hindi matutuloy ‘yung Blue Ribbon Committee sa Thursday,” sabi ni Cayetano sa kanyang Facebook live.

“So if may agam-agam, why don’t we have a meeting tomorrow how the Blue Ribbon Committee should proceed on Thursday?” dagdag ni Cayetano.

Iniulat din ng Senate President na nakatanggap siya ng liham mula kay Senador Panfilo Lacson na nagtatanong kung paano matutuloy ang hearing kung walang miyembro ng minority sa komite.

“Paulit-ulit kami sa Section 19 ng rules… Na habang walang kapalit, sila pa rin… Until our last session, ni isa na committee, hindi naglagay ang minority. Hindi ko alam kung ginagawa nilang sadya or naniniwala sila, kasi sabi nila isang araw lang daw ako, isang linggo lang,” ulat ni Cayetano.


Larawan mula sa The Manila Times

Cayetano hinimok na magbitiw bilang senate president

Samantala, hinimok ng 11 miyembro ng minority bloc na magbitiw na si Cayetano bilang Senate President dahil sa “dereliction of duty,” matapos mamuno diumano ng boycott ng sesyon nitong Martes, kahit na may dalawa pang sesyon bago mag-adjourn ang Congress sa Hunyo 6.

Ang minority bloc ay sina Senador Bam Aquino, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, Panfilo Lacson, Lito Lapid, Francis Pangilinan, Vicente Sotto III, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo at Juan Miguel Zubiri.

Humingi ng tawad si Pangilinan dahil sa mga pangyayari, “I apologize to the Filipino people on behalf of the Senate that this is the way it is.” Ipinaliwanag ni Senate minority leader Sotto na ayon sa Senate rules, kailangang magpulong ang mga senador tuwing  alas-tres ng hapon , Lunes, Martes at Miyerkules. Dumating ang groupo ng minority sa oras at naghintay sa majority bloc pero hindi sumipot ang majority.

- Advertisement -

Nagpulong ang minority bloc at pagkatapos ng ilang minuto ay naglabas ng magkakasamang pahayag.

“Senate President Alan Peter Cayetano should resign as he has shown that he cannot function as the leader of the Senate,” ayon sa kanilang pahayag.

Ayon sa  Rule XIV, Sec. 41 ng Rules of the Senate, maaaring mag-postpone ang Senate president ng sesyon “after consultation with the majority leader and the minority leader.” “That rule was violated. This is not merely a procedural lapse — it is a direct violation of the rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the Filipino people,” sabi ni Sen. Erwin Tulfo habang binabasa niya ang pahayag.

Nakiusap si Lacson sa majority bloc na magkaroon ng “sense of duty and responsibility” para mag-attend ng sesyon ngayong Miyerkules, Hunyo 3, 2026.

Paliwanag ni Cayetano

Hinimok ni Cayetano ang minority bloc na magkaisa sa tinatawag niyang kolektibong pagsisikap upang pangalagaan ang kalayaan at integridad ng Senado sa gitna ng tumitinding presyur sa politika na nakapalibot sa kapulungan at sa mga liderato nito.

- Advertisement -

Ginawa ni Cayetano ang pahayag na ito matapos iutos ng Sandiganbayan Fifth Division ang pag-aresto kay Estrada.

Aniya, ang mga kamakailang insidente na kinasasangkutan ng mga miyembro ng majority bloc ay nagdulot ng pangamba tungkol sa tumitinding presyur sa politika sa institusyon.

Bukod kay Estrada, itinuro ni Cayetano na may mga banta ng posibleng pag-aresto laban kina Sen. Francis Escudero, Rodante Marcoleta at Joel Villanueva.

“So I pose a question to you, not as the majority but on behalf of the chamber: will you support the Senate’s independence?,” sabi ni Cayetano.

Iminungkahi rin niya na ang isang “sinasadyang gawain” — ang boycott — ay magpapahintulot sa Senado na “manahimik” ay magiging isang simbolikong protesta laban sa panlabas na panghihimasok.

Ngunit sinabi ni Lacson na ang pagboykot ng majority bloc sa sesyon ng Senado noong Lunes ay naglalayong gawing bihag ang legislation sa pag-aresto kay Estrada.

“Standing up for the Senate’s independence does not place SP Cayetano and any senator above the law. It has nothing to do with non-adherence to the rule of law,” sabi ni Lacson nitong Martes.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -