27.2 C
Manila
Linggo, Hunyo 7, 2026

PBBM sa mga bagong law graduates: Manatiling tapat sa prinsipyong naghatid sa inyo sa pagiging abogado

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga bagong nagtapos ng kursong law sa Iloilo City na manatiling matatag at tapat sa mga prinsipyong nagbunsod sa kanila upang tahakin ang propesyon ng pagiging abogado.

Sa kanyang talumpati sa ika-tatlong Commencement Exercises ng College of Law ng West Visayas State University (WVSU), sinabi ng Pangulo na mahalagang panghawakan ng mga bagong law graduates ang integridad, katarungan, at katotohanan sa kanilang magiging tungkulin.

“As you face a new chapter, I hope you will stay steadfast in the principles that brought you to this calling. Do not be swayed by fleeting opinions or the allure of convenience. So long as you remain anchored in integrity, fairness, and truth, you shall never lose your way,” ayon Kay Pangulong Marcos

Dagdag pa ng Pangulo: “May you always choose principle over convenience, truth over falsehood, and service over self-interest. May you use your expertise to help build a nation worthy of the aspirations of our people.”

Ipinahayag din ng Pangulo ang kanyang pananabik na makita ang mga nagtapos na maging ganap na miyembro ng Philippine Bar sa hinaharap.

Dumalo rin sa okasyon si First Lady Louise Araneta-Marcos kasama ang iba pang mga opisyal ng pamahalaan.

Pinangunahan din ni Pangulong Marcos ang pagpapasinaya ng bagong gusali ng College of Law ng unibersidad.

“As we open the doors of this new facility, we also open greater opportunities for aspiring legal professionals to learn, to serve, and then to contribute to our nation,” wika ng Pangulo.

Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng mga abogado sa pagtataguyod ng katarungan, lalo na para sa mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

Binanggit din ng Punong Ehekutibo ang kasabihan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay: “He once stated that those who have less in life should have more in law.”

Ayon kay Pangulong Marcos, paalala ito na ang propesyon ng abogasiya ay may pananagutang tiyaking hindi napagkakaitan ng proteksiyon ang mahihirap, mahihina, at mga nasa laylayan ng lipunan dahil lamang sa kakulangan ng yaman, impluwensiya, o kapangyarihan.

Sinabi rin ng Pangulo na sa panahong sinusubok ang tiwala ng publiko sa mga institusyon, lalo pang nagiging mahalaga ang pananagutan at integridad ng mga abogado.

“Your success will not be measured solely by the cases that you win or the positions that you will hold. It will be measured by the confidence that people place in you, by the fairness with which you exercise your profession, and by the integrity you demonstrate even when no one is watching,” dagdag pa ni Pangulong Marcos.

Pinaalalahanan din ng Pangulo ang mga nagsipagtapos na kasama nila sa kanilang paglalakbay ang suporta ng kanilang mga pamilya, kaibigan, propesor, at ng buong sambayanan.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga bagong law graduates na makibahagi sa paghubog ng Bagong Pilipinas kung saan iginagalang ang tuntunin ng batas, naaabot ng lahat ang katarungan, at bawat Pilipino ay namumuhay nang may dignidad at pag-asa. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -