NAG-BIGAY ng kanyang pahayag si Senate President Sherwin Gatchalian tungkol sa agreement ng US at Iran na aniya ay magiging daan tungo sa mababang presyo ng langis.

“Nakapaglagda na ng memorandum of understanding ang US at Iran bilang unang hakbang tungo sa kapayapaan sa Middle East. Nagbibigay ito ng pag-asang bababa ang presyo ng langis sa oras na tuluyang mabuksan ang Strait of Hormuz,” post ng Senate President sa kanyang Facbook page.
“Hinihimok ko ang Department of Energy na tiyaking mabilis itong maramdaman ng mga mamimili sa pamamagitan ng mas mababang presyo ng petrolyo. Ilang buwan na nilang pinapasan ang mataas na presyo ng bilihin dulot ng giyera,” dagdag pa niya.
“Nananawagan pa rin tayo sa executive department na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng krisis. Mas makakabangon ang ating ekonomiya kung matutulungan ang mga higit na nangangailangan.”



