35.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 20, 2026

Pop-Up exhibit inilunsad sa BARMM

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara ang paglulunsad ng Pop-Up exhibit sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City.

“Labis ang aking kasiyahan na muling makabalik sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) noong nakaraang linggo at makasama ang ating mga kababayan nang daluhan natin ang pagbubukas ng EXTRA+Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines Pop-up Exhibit sa Rojas Central Elementary School, Cotabato City.

“Ipinapakita ng exhibit ang kuwento ng mga ordinaryong Pilipino na sa kabila ng matitinding pagsubok ay nagpakita ng katatagan, tapang, at pagmamahal sa ating bayan.

“Iginawad din natin sa paaralan ang kopya ng First in Line: The Vice Presidents of the Philippines coffee table book sa pag-asang makapagbigay ito ng karagdagang kaalaman sa ating kabataan tungkol sa kasaysayan ng ating bansa.

“Umaasa ako na ang mga natutunan natin mula sa libro at ang kabuoang exhibit ay magsilbing gabay at makapagbigay inspirasyon sa kanilang pag-aaral. Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap sa amin.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -