IBINALITA ni Vice President Sara Duterte na bumisita siya sa mga biktima ng lindol sa Davao Occidental at Sarangani nitong Linggo, Hunyo 21, 2026.

Aniya, “Ikinagagalak kong makasama ang ating mga kababayan mula sa Davao Occidental at Sarangani ngayong araw.

”Una nating binisita ang Barangay Nuing sa Jose Abad Santos, Davao Occidental, upang personal na kumustahin at alamin ang kanilang kalagayan at mga pangangailangan kasunod ng pagyanig ng malakas na lindol sa Mindanao ngayong buwan.

Dagdag pa niya,”Sunod naman nating binisita ang Sarangani Municipal Hospital at isang evacuation center sa Barangay Mabila, Balut Island.

Binati rin niya ang mga tatay sa kanilang wika, “Ug isip pag-ila sa dedikasyon, kalig-on, ug sakripisyo sa mga amahan, nagpahigayon ta og mga padula o parlor games alang kanila sa Glan Tent City sa Sarangani. Hilabihan ang akong kalipay nga makita ang inyong mga pahiyom. Happy Fathers’ Day kaninyong tanan.”

“Kinumusta rin natin ang ating mga kababayan na patuloy na nagpapagaling at ginagamot sa Philippine Emergency Medical Assistance Team (PEMAT) Field Hospital sa Glan, Sarangani.
“Mga kababayan, patuloy tayong maging alerto at handa, lalo’t hindi natin alam kung kailan maaaring tumama ang mga sakuna at kalamidad. Isama rin natin sa ating mga dasal ang kaligtasan ng bawat isa.”



