28.6 C
Manila
Huwebes, Hulyo 2, 2026

Hiwalay na detention facility para sa mga kabataang nakagawa ng heinous crimes, isinusulong ni Sen Raffy

- Advertisement -
- Advertisement -

ISINUSULONG ni Sen. Idol Raffy Tulfo ang agarang pag-amyenda sa RA9344 o Juvenile Justice Welfare Act para mapondohan ang pagpapatayo ng hiwalay na detention facility para sa mga menor de edad na nag-commit ng heinous crimes.

Sa hearing ng Senate Committee on Committee on Women and Children kahapon, July 1, binigyang-diin ni Sen. Raffy na hindi sapat na inilalagay lamang sa mga Bahay Pag-Asa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga batang child in conflict with the law (CICL) na gumawa ng mga karumaldumal na krimen.

Dito kasi ay madalas bine-baby lamang sila habang isinasailalim sa intervention and rehabilitation at kalaunan ay makakalaya na.

“Naniniwala ako na hindi sila dapat ihalo sa hardened criminals. Everybody believes that. Pero hindi rin dapat mawala ang mensahe na ang bawat aksyon ay may consequence,” saad niya.

Dagdag pa niya: “Hindi yung nakikita ng mga bata na, ‘Ah, kapag ako ay nag-commit ng crime, pupunta ako sa Bahay Pag-Asa, at pagdating doon, magba-basketball kami, may pingpong… kumakain sila sama-sama, nagtatawanan.


Pagdating sa gabi, nandoon sila sama-sama sa isang kwarto, mag-uusap-usap. Saan dito yung takot na maipapakita sa mga bata? They will think it’s excursion, camping. Dapat papakita natin na merong katapat na parusa ang bawat gagawin niyong kasalanan.”

Labis itong sinang-ayunan ni Jennylyn Badoria , ina ng isa sa mga estudyanteng napatay sa shooting incident sa San Jose National High School sa Tacloban City noong June 22.

Inirekomenda rin ni Sen. Raffy na aralin at ikonsidera ng Department of Education (DepEd) ang supervised boot camps or carefully designed immersion programs kung saan pwedeng magbahagi ng kanilang istorya at lecture ang mga reformed ex-Persons Deprived of Liberty (PDL) sa mga bata.

Dito ay maaari nilang ibahagi ang hirap na maari nilang harapin sa loob ng kulungan at kung paano sila muling naging produktibong mamamayan ng lipunan.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -