30.2 C
Manila
Huwebes, Hulyo 9, 2026

Lacson: Tamang pangangasiwa mahalaga sa pagpapatunay ng digital na ebidensya sa panahon ng AI

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG-DIIN ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Miyerkules na mahalaga ang tamang pangangasiwa para matiyak ang pagiging tunay ng digital na ebidensya sa korte, lalo na sa gitna ng lumalaking pangamba sa mga nililikha at minamanipulang nilalaman gamit ang artificial intelligence (AI).

Sa kanyang interpelasyon kay National Bureau of Investigation (NBI) agent John Mark Calilung sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, sinabi ni Lacson na dapat ding pairalin ang prinsipyong ito sa recording ng online press conference ng Bise Presidente na kanyang pinatunayan bilang authentic.

“I’m not here to question the authenticity, I just want to be assured dahil sabi ko nga kanina pagka sa AI napakahirap talaga almost impossible to distinguish it from the original video or source,” ani Lacson.

Nagpatotoo si Calilung sa harap ng Senado na nakaupo bilang Impeachment Court na ang video recording ng press conference ng Bise Presidente, kung saan umano ito nagbanta laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay hindi nilikha gamit ang AI.

Sa pagtatanong ni Lacson, sinabi ni Calilung na gumamit siya ng isang open-source application upang makagawa ng screen recording ng video mula sa Facebook. Aniya, pinatunayan niya ang pagiging authentic ng recording sa pamamagitan ng paghahambing nito sa orihinal na video sa Facebook at pagkumpirmang magkapareho ang nilalaman ng dalawa.


Bagama’t kinilala ni Lacson ang pagsasanay at karanasan ni Calilung, na nagsilbi sa NBI mula pa noong 2021 at mula noon ay ilang ulit nang humarap sa mga pagdinig sa korte, sinabi niyang layunin ng kanyang mga tanong na matiyak na tatayo ang ebidensya sa hukuman.

“Kaya ko tinanong yan, para additional na magamit sa korte, likewise sa impeachment court,” ani Lacson.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -