TAPOS na po tayo sa unang witness. It’s taken us maybe a total of nine hours for the first witness. Ito po, isang pakiusap, sa parehong grupo. Alam ko po may kanya-kanya tayong istilo, may kanya-kanya tayong strategy, but if possible, can we allow the testimonies to be heard? Can we have proceedings that will go straight to the point?
Kasi po nanonood ang taumbayan, pati po kaming mga senator judge. Gusto rin po naming makita itong mga proceedings, iyong mga ebidensya na mas madali ring maintindihan. So ito naman po, ‘di po namin pwedeng idikta sa inyo. But if possible, the succeeding witnesses–and we have a long list–this goes for both parties by the way, let’s have proceedings where we can go straight to the point.
Malaman natin iyong puntos ng bawat grupo para makapagdesisyon din po tayo ng maayos. This is a plea. This is not an order to both parties. But if we can, this is the people’s tribunal. We’re watching. Everybody’s watching. Sana po payagan natin na lumabas iyong mga katotohanan, lumabas iyong mga ebidensya upang maging mas madali at mas kaya-aya po iyong ating proceedings. Iyon lang po, Mr. President.

