32.3 C
Manila
Huwebes, Hulyo 9, 2026

Sen Raffy, kinuwestiyon ang kaalaman ni Calilung sa social media analytics at AI

- Advertisement -
- Advertisement -

TINANONG ni Senator-Judge Raffy Tulfo ang testigo ng prosekusyon na si NBI Senior Agent John Mark Calilung tungkol sa kanyang kaalaman sa social media analytics at artificial intelligence (AI).

Ito ay matapos iprisinta ng defense team sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong araw July 8, ang bahagi ng dalawang-oras at 26-minutong online press conference ng bise noong Nobyembre 23, 2024 na inimbestigahan ni Calilung kaugnay ng Article IV ng impeachment case, na may kinalaman sa umano’y inciting to sedition.

Kinuwestiyon ni Sen. Raffy si Calilung kung may kakayahan siyang matukoy kung ang isang video ay AI-generated o hindi, dahil may ilang kumukuwestiyon sa authenticity ng naturang video at naniniwalang maaaring gawa ito ng AI.

Sinabi ni Calilung na, batay sa kanyang personal na obserbasyon, hindi AI-generated ang nasabing video, lalo na’t mahigit dalawang oras ang haba nito. Aniya, ang mga AI-generated video ay kadalasang maiikli lamang.

Tinanong din ni Sen. Raffy kung inimbestigahan din ba ng NBI ang naging reaksyon ng publiko sa video ni VP Sara. Ayon kay Calilung, may mga komento na sumasang-ayon sa pahayag tungkol sa pagpatay sa Pangulo na binanggit ng Bise sa naturang video, habang ang iba naman ay nanawagan umano ng people power.


Ayon kay Sen. Raffy, mahalagang maitaguyod sa pamamagitan ng mga paglilinaw na ito kung ang mga ikinilos ni VP Duterte ay maaaring pumasok sa mga batayan ng impeachment, partikular ang culpable violation of the Constitution, high crimes, at betrayal of public trust.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -