27.2 C
Manila
Huwebes, Hulyo 16, 2026

Sen Imee nababahala sa opisyal na pahayag ng US laban sa ICC

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKABABAHALA ang pagkikibit-balikat ng Administrasyon sa panawagan ng US patungkol sa ICC. Hindi ito usapin ng pagkontrol sa atin o impluwensya ng ibang bansa sa atin o natin sa kanila — ito ay tungkol sa pang-unawa ng ating gobyerno sa implikasyon ng patuloy nitong pagtalima sa ICC— ito ay usaping DIPLOMATIC, usaping VISA at pang-ekonomiya.

Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng Administrasyon sa ICC, maaaring magbunga ito ng lamat at panibagong gulo sa isang bansang matagal na nating itinuturing na kakampi.

Marapat na ilahad at isapubliko ang mga kasunduan ng pamahalaang ito at ng ICC, at ano ang plano at paninindigan nila sa pinili nilang landas, na bukod sa nilagay ang ating bansa sa kahihiyan pagdating sa usaping soberanya, ay nagsuko tayo ng kapwa Pilipino sa isang intitusyong hindi na kinikilala ng nakararami.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -