27.2 C
Manila
Huwebes, Hulyo 16, 2026

Palasyo: PBBM, nais matiyak na may sapat at balanseng suporta sa mga maaapektuhan ng bagong tensyon sa Middle East

- Advertisement -
- Advertisement -

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na matiyak na walang Pilipinong maiiwan at hindi mabibigyan ng suporta ang mga sektor na maaapektuhan ng panibagong tensyon sa Middle East, ayon sa Malacañang.

Sa press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pinag-aaralan na ng pamahalaan ang mga posibleng hakbang upang matulungan ang mga apektadong sektor, kabilang ang transportasyon, habang pinananatiling balanse ang epekto nito sa buong ekonomiya.

“Sa ngayon ay nakausap natin mismo si Secretary Banoy (Giovanne Lopez), at siya naman ay inaatasan na pag-aralan ang sitwasyon at kailangan na balansehin ang mga pangyayari dahil kapag tumaas ang presyo ng pamasahe, definitely ay tataas din ang mga presyo ng ibang mga produkto,” ani Castro.

“Ang nais ng Pangulo ay walang maiwan, kailangan matulungan ang lahat sa tamang pamamaraan at sa balanseng pamamaraan. So, inaaral ito ngayon according to Secretary Banoy Lopez,” dagdag ni Castro.


Tinanong din si Castro kung bukas ang Pangulo sa posibilidad ng dagdag-pasahe matapos humiling ang ilang transport group ng fare adjustment dahil sa panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

“Isinabay rin natin ang tanong na ganyan dahil nga nakikita natin sa news. At muli, binanggit din ni Secretary Banoy Lopez na kasabay ito sa pag-aaralan sa ngayon para tama ang ating pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan sa transport sector para hindi sila maiwan.Pero tuloy pa rin ang pagtulong din natin sa mga kababayan natin na mga consumers,” ani Castro.

Samantala, wala pang ibinigay na bagong detalye ang Malacañang kaugnay ng pagpupulong ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) Committee, kabilang ang usapin sa posibleng pagsuspinde o pagtanggal ng excise tax sa diesel at gasolina.|PND

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -