SA ika-siyam na araw ng impeachment trial kay Vice President Sara Duterte, naging witness ng tagausig si NBI Director Melvin Matibag. Narito ang kanilang naging Q and A.
Sen. Aquino: Maraming salamat, Mr. Presiding Officer. Isang tanong lang po kay Director Matibag. Doon po sa AO 11, nakalagay po doon iyong mga membro ng task force. At iyong isang member po doon ay mula sa Transnational Crime Division?
Director Matibag: Opo.
Sen. Aquino: Nabanggit niyo po noong isang araw na nasa punto na po kayo sa inyong imbestigasyon at tsini-check po ninyo kung hindi lang ito isang tao pero kumbaga grupo na po ito or may plot, may ploy, may nagkukuntsaba para dito po sa posibleng pagpatay kay President Marcos. So nagtataka lang po ako sa AO 11, kasama iyong Transnational Crime Division. So my question is, sa inyo pong imbestigasyon, meron bang transnational nature itong posibleng pagpatay sa Presidente? Meron bang foreign intervention or mga players na hindi po Pilipino sa inyo pong imbestigasyon?
Director Matibag: Iyan po ay isang sa purpose talaga kung bakit namin sinama para alamin kung sino po. Alam naman po natin para patayin ang isang presidente, hindi po isa o dalawang tao lang nag-uusap dito. You need, iyong kakayahan mo, iyong capacity doon po pumapasok. Kailangan ng pera, kailangan ng network, kailangan ng tao. So tinitingnan po natin ito lahat. Ngayon iyong binabanggit po ninyo kasama po sa ating tinitingnan iyan. Pero ang isa pong mayoryang rason niyan, iyong pong mga pagbibyahe ng ating Pangulo, we have to also monitor it because the possibility of endangering the life of the President during his time that he’s outside of the country, nandoon din po ‘yan dahil ito sa threat po.
Sen. Aquino: Okay. So kaklaruhin ko lang ha. So yung pagkakaroon ng Transnational Crime Division dahil yan sa mga biyahe ng Presidente, hindi dahil merong possible foreign intervention dito sa iniimbestigahan niyong pagpaplano?
Director Matibag: That is also an angle being considered, but that’s not the main reason po.

