27.3 C
Manila
Sabado, Hulyo 25, 2026

Sulyap sa nakaraang 2025 SONA: Mahiya naman kayo

- Advertisement -
- Advertisement -

(Ikalawang bahagi)

NOONG nakaraang taong 2025 sa kanyang State of the Nation Address (SONA), inilahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng suporta sa mga maliliit na negosyante, suporta sa mga magsasaka, libreng pagsasanay sa mga maralitang pamilya, pagpapalakas sa sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng pagbibigay suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga kagamitan, pagbibigay ng mga karagdagang pananim, pagtatanim ng hybrid na niyog upang mas marami ang maging bunga, pagbabakuna sa mga biik upang palakasin ang produksyon, paglalaan ng mga rice processing systems, pamimigay ng mga fiber-glass na bangkang pangisda, at pagpapagawa ng marami pang karagdagang farm-to-market roads.

Inilahad din ng Pangulo ang plano ng pamahalaan na paramihin pa ang mga maaabot ng kuryente sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga sirang planta at pagpapalakas sa renewable energy gaya ng solar energy.

Gayundin, papanagutin din nya ang mga nagpabaya sa paglalaan ng tubig sa mga kabahayan.


Sa edukasyon, binigyang-diin ng Pangulo ang mga pagpupundar ng pamahalaan para sa edukasyon at kasanayan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapalawig ng TechVoc, pagpapatayo ng karagdagang Early Childhood Education Centers o mga daycare center, pagpapatayo ng mga silid-aralan, pamamahagi ng mga laptop sa mga guro, dagdag sahod para sa mga overtime at teaching overload, at mga makabagong kagamitan sa pagtuturo sa mga bata.

Ipinagmalaki rin ng Pangulo sa nakaraang SONA ang paggraduate ng 1.5 milyong gumanda ang buhay sa tulong ng cash grant mula sa programang 4Ps.

Naglaan rin umano ng karagdagang P1 bilyong pondo para sa Walang Gutom program, isang feeding program ng Department of Social Welfare and Development at ng Department of Education para sa mga batang mag-aaral na kulang sa timbang.

Nagkaroon rin ng 53 Bucas (Bagong Urgent Care and Ambulatory Services)  centers upang tugunan ang pangangailangang medikal ng mga nangangailangan na hindi na kinakailangan pang i-admit sa ospital. Ipinangako ni Pangulong Marcos na mas marami pang Bucas centers ang bubuksan.

- Advertisement -

Ipinagmalaki rin niya  ang libreng dialysis, libreng gamot at mga benepisyo na sakop ng Philhealth gaya ng P2 milyong limit para sa kidney transplant, pag-cover sa pagpapa-ospital matapos ang kidney transplant, pagpapataas sa benepisyo para sa sakit na dengue at katarata, at maging ang emergency services sa mga ospital ng Department of Health (DOH).

Ipinagmalaki rin niya ang 50% diskwento sa LRT ng mga estudyante at mga senior citizen, gayundin ang paggamit sa lima sa 50 bagong tren na di nagamit noong nakaraang administrasyon.

Sa imprastraktura, ipinagmalaki niya ang pagdudugtong ng daan mula sa South Luzon Expressway patungong Tiaong, Quezon, at daan mula sa Naic patungong Bataan.

Sa internet naman, iniulat nya ang pagkakaroon ng “backbone project” na imprastraktura para sa pagkakaroon ng maayos at mabilis na internet sa bansa, pagkakaroon ng 19,000 free wifi sites at 1 milyong sim na ipinamahagi sa mga paaralan. Gayunman, 12,000 pa umano ang mga paaralang walang internet.

Pagdating sa seguridad ng bansa, ayon sa Pangulo, wala nang mga gerilya, bumaba ang antas ng krimen at tiniyak niya na rereponde ang kapulisan sa loob lamang ng limang minuto.

Papapanagutin din, aniya, ang sindikato na may kinalaman sa pagpatay sa mga sabungero, ano man ang estado ng mga ito sa buhay.

- Advertisement -

Ipinagmalaki rin niya ang nasabat na 1.5 tonelada ng ilegal na droga at ang patuloy na operasyon ng pamahalaan laban sa mga drug pusher.

Ugnayang panlabas

Sa ugnayang panlabas, winika ni Pangulong Marcos ang kanyang mataas na kumpyansa dahil sa marami nitong kasanggang ibang bansa upang patibayin ang seguridad laban sa ibang dayuhan.

Aniya, naging mas maigting ang pagmamatyag at patuloy ang pagtitimpi sa teritoryong nasasakop ng Pilipinas.

“The Philippines is a friend to all. The Philippines is enemy to none,” pahayag ng Pangulo.

Nagpasalamat rin ang Pangulo sa iba’t ibang bansa na nagbigay ng 600 clemency para sa mga overseas Filipino workers (OFW) na nakulong dahil sa ibat ibang kaso sa labas ng bansa.

Mahiya naman kayo

Ipinangako rin ng Pangulo na kakasuhan ng pamahalaan ang lahat ng may sala at kasabwat na kontratista sa buong bansa na sangkot sa bilyon-bilyong halaga ng korapsyon sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Mahiya naman kayo,” aniya. At upang di na ito maulit, ipinag-utos niya sa DPWH na isumite ang lahat ng natapos na proyekto sa nakaraang tatlong taon at eksamining mabuti ng mga regional office at ireport ang lahat nang nabigo, hindi natapos at mga ghost project sa kani-kanilang nasasakupan, at isasapubliko ang mga ito upang malaya ang mga itong masuri ng publiko.

Narito ang bahagi ng SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa palpak na flood control project na naging malaking hamon sa kanyang administrasyon hanggang kasalukuyan.

“Kamakailan lamang, nag-inspeksyon ako sa naging epekto ng habagat, ng Bagyong Crising, Dante, at Emong. Kitang-kita ko na maraming proyekto para sa flood control ay palpak at gumuho [applause] at ‘yung iba guni-guni lang.

“Huwag na po tayong magkunwari. Alam naman ng buong madla na nagkaka-racket sa mga proyekto.

“Mga kickback, mga initiative, errata, SOP, for the boys. Kaya sa mga nakikipagsabwatan upang kunin ang pondo ng bayan at nakawin ang kinabukasan ng ating mga mamamayan, mahiya naman kayo sa inyong kapwa Pilipino!

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha!

“Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo, na binulsa niyo lang ang pera.

“Para hindi na maulit. So, that this will not happen again. First, the DPWH will immediately submit to me a list of all flood control projects from every region that were started or completed in the last three years.

“Second, the Regional Project Monitoring Committee shall examine that list of projects and give a report on those that have been failures, those that were not finished, and those that are alleged to be ghost projects.

“And third, we will publish this list.

“Isasapubliko natin ang listahang ito. Kaya ang publiko na saksi sa mga proyektong ito ay malayang suriin ang listahan at magbahagi ng kanilang nalalaman para makatulong sa ating imbestigasyon.

“At the same time, there will be an audit and performance review regarding these projects to check and make sure and to know how your money was spent.

“Sa mga susunod na buwan, makakasuhan ang lahat ng mga lalabas na may sala mula sa imbestigasyon. Pati na ang mga kasabwat na kontratista sa buong bansa.

“Kailangan malaman ng taong-bayan ang buong katotohanan. Kailangang may managot sa naging matinding pinsala at katiwalian.

“Therefore, for the 2026 National Budget, I will return any proposed General Appropriations Bill that is not fully aligned with the National Expenditure Program.

“And further, I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget.

“Hindi ko aaprubahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino.”

Itutuloy

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -