30.4 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Suporta sa presidential bid ni Bongbong sa 2022 tumitindi

- Advertisement -
- Advertisement -

Dalawampu’t-limang cause-oriented organizations ang nagsanib pwersa para suportahan ang kandidatura ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon sa Mayo 2022.

Kamakailan, binisita ng Progressive Alliance for BBM ang campaign headquarters ni Marcos sa Mandaluyong City para magsumite ng isang manifesto na nagpapahayag ng kanilang suporta.

Ang nasabing alyansa ay binubuo ng 25 organisasyon mula sa mga sektor ng OFW, Seafarers, Barangay Youth, Christian Churches, Loyalista, at mga Healthcare worker.

Sa isang simpleng seremonya, sinumite nila ang isang dokumento na tinawag nilang ‘Manifesto of Unity, Support, and Commitment to ‘Bring Back the Momentum’ To Our Country’s Progress and Development’ na malugod na tinanggap ng asawa ni Marcos na si Atty. Louise Araneta-Marcos.

“Believing in a unifying leadership, we, the leaders of the parallel groups and organizations, hereby coalesce and express our deep commitment and unwavering support to a TRUE PUBLIC SERVANT, A FORWARD-THINKING LEADER and a GENUINE MAN FOR THE PEOPLE, Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,” ayon sa panimulang bahagi ng manifesto.

“We pledge to align all our efforts to work as one in campaigning and utilizing all means available – our manpower and resources – to achieve our unified goal of electing and installing BBM as the next President of the Republic of the Philippines,” dagdag pa ng nasabing manifesto.

Sa kanyang pahayag sa mga dumalo sa seremonya, nagpasalamat si Atty. Louise Araneta-Marcos sa suporta ng nasabing grupo.

“I know you have gone a long long way, my husband couldn’t be here dahil umiikot na kasi siya pero pinapasabi niya na maraming-maraming salamat.  It’s because of people like you na maski ano ang batikos nila sa amin, fight pa rind dahil sa inyo. Maraming salamat,” sabi ni Atty. Louise Araneta-Marcos.

Bukod dito, nagpahayag din ng suporta ang ilang kinatawan ng mga malalaking transport groups sa pagtakbo ni Marcos sa darating na 2022 elections. Ayon pa sa kanila, naniniwala sila sa plano ni Marcos para sa kanilang sektor at tiwalang maisasakatuparan niya ang mga ito sa oras na maihalal ng taong bayan.

Patuloy na bumubuhos ang suporta para sa kandidatura ni Marcos kasunod ng kanyang pangunguna sa mga online at tradisyunal na Presidential preference surveys. 

Sa pinaka-latest ba survey na isinagawa ng  The Manila Times mula October 26 hanggang November 2,  naungusan ni Marcos ang iba pang kapwa kandidato matapos makakuha ng 68% na boto. Malayo sa 10.8% na nakuha ng sumunod sa kanya. Samantala ang iba pang kandidato ay nakakuha lamang ng single digit percentage.

Pinangako rin ng nasabing alyansa ang katapatan at pagtulong kay Bongbong dahil siya lamang ang may kakayahan na ibangon ang bansa.

“To remain steadfast to our duties and responsibilities and wholeheartedly dedicate our loyalty and service to BBM, as the one and only fit and capable man to build back a grappling nation to greatness,” ayon pa sa manifesto.

Sa huling bahagi ng manifesto hinikayat ng alyansa ang mga Pilipino na lumahok at sumuporta para maibalik ang liderato ng Marcos sa gobyerno. Dagdag pa nila, BBM, Ikaw ang Presidente ko!, sama-sama tayong babangon muli!

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -