26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Gatchalian hinimok ang distribution utilities na mangontrata ng mas maraming renewable energy

- Advertisement -
- Advertisement -

Hinimok ni Senator Win Gatchalian ang mga distribution facility na kumontrata ng mas maraming renewable energy o RE dahil ang naturang hakbang ay pakikinabangan ng mga consumers sa gitna ng umiiral na global energy risks.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng naging desisyon ng Department of Energy o DOE na taasan ang porsyento ng paggamit ng RE para sa on-grid areas mula 1% hanggang 2.52%, na magiging epektibo pagdating ng 2023.

“Makabuluhan ang mas mataas na porsyento ng paggamit ng renewable energy. Ito ay dapat mag-udyok sa mga distribution utilities na isaalang-alang ang pagkontrata ng mas maraming renewable energy upang hadlangan ang fuel pass-through sa gitna ng pabago-bagong presyo ng gasolina,” sabi ni Gatchalian.

Mahalaga ang RE sa sustainable energy agenda ng pamahalaan. Noong 2021, umabot na sa 22.40% ang ambag ng RE sa kabuuang energy mix sa bansa, 58.48% ang coal-based power plants, samantalang nasa 1.52% at 17.60% naman ang oil-based power plants at natural gas power plants.

“Napapanahon na para lalo nating pabilisin ang paggamit ng renewable energy sa bansa. Dahil sa mataas na presyo ng fossil fuel, gayundin ang climate change, wala tayong ibang solusyon kundi ang pagpapaunlad ng green energy,” ayon kay Gatchalian.

Sa ngayon, may kabuuang 998 RE contracts na may katumbas na humigit-kumulang Php270 bilyon na investments na inaprubahan ng DOE. Ang mga naturang kontrata ay may pinagsama-samang kapasidad na 5,460 megawatts at potensyal na kapasidad na 61,613.81 megawatts (MW).

“Patuloy ang pag-angat ng renewable energy dahil na rin sa paggamit ng bagong teknolohiya. Ang pagtutulak ng DOE na taasan pa ang utilization percentage para sa renewable energy ay maaaring makahikayat sa ating distribution utilities sa pagkontrata ng ganitong enerhiya para na rin sa energy security ng bansa,” dagdag ni Gatchalian.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -