29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Teknolohiya ng DOST, hindi nagpahuli sa Consumer Electronics Show sa Las Vegas at Business Mission sa Silicon Valley, USA

- Advertisement -
- Advertisement -

Upang mapalakas ang mga umuusbong na teknolohiya at industriya sa Pilipinas tulad ng Semiconductor Manufacturing Services (SMS), Artificial Intelligence, Robotics, at Space Technology, ibinida ng Department of Science and Technology o DOST sa pangunguna ni DOST Undersecretary for Research and Development Dr. Leah J. Buendia ang iba’t ibang oportunidad sa mga siyentista sa katatapos lang na Consumer Electronics Show (CES 2023) sa Las Vegas, Nevada, USA at sa Business Mission sa Silicon Valley, San Francisco, California, USA mula 5 hanggang 11 ng Enero 2023.

Ang CES ay ang pinakasikat na technology event sa buong mundo kung saan ibinibida ang mga makabagong teknolohiya at pandaigdigang mga innovator. Para sa taong ito, tampok ang mga teknolohiyang may kinalaman sa sustainability o napapanatiling pag-unlad, digital health, metaverse, electric vehicle, transportasyon, at mobility mula sa higit apat na libong mga eksibitor na maituturing na isang magandang pagkakataon para sa Pilipinas na makakuha ng karagdagang kaalaman upang mapabuti pa nito ang sariling industriya.

Ang delegasyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kinatawan mula sa DOST, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Information and Communications Technology (DICT), Philippine Economic Zone Authority (PEZA), Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Foundation, Inc. (SEIPI) at sa Philippine Trade and Investment Center (PTIC), ay nabigyan ng pagkakataon na makahanap ng posibleng makakasama ng gobyerno at ilang mahahalagang parte ng industriya sa tulong ng Philippine Business Forum na nagpakita naman ng kahandaan ng bansa para sa mga mamumuhunan. Sa World Electronics Forum na isa lamang sa maraming fora na ginanap, inilahad ni DOST Undersecretary Buendia ang mga teknolohiya at programa ng gobyerno ng Pilipinas na maituturing na maikukumpara sa mga emerging global technology.

Ilan sa mga teknolohiyang itinampok sa CES 2023 ay ang 1) SentiV mula sa France na isang scouting robot para sa pagmomonitor ng pananim; 2) Agwa mula sa Israel na isang articifical intelligence-assisted device upang makapagtanim ng gulay sa loob ng bahay at ang 3) Land Evaluation Engine mula sa satellite data at artificial intelligence mula sa Japan. Kahalintulad ng mga nabanggit na teknolohiya ang ilan sa mga proyektong kasalukuyang pinapangunahan ng DOST-Advanced Science and Technology Institute tulad ng 1) Robot for Optimized and Autonomous Mission-Enhancement Response o ROAMER, na dinisenyo para sa pagmomonitor ng taniman ng saging; 2) Gul.Ai na isang mobile system upang makapagpatubo ng halaman sa tulong ng artificial intelligence, at 3) DATOS, na isang AI-powered engine land detection from satellite images.

Ang mga nakitang pagkakahalintulad ng mga nabanggit ng teknolohiya mula sa iba’t ibang bansa at ng Pilipinas sa pamamagitan ng DOST-ASTI ay nagpapatunay na ang mga isinasagawang pananaliksik sa bansa ay mahalaga at may malaking potensyal upang matugunan ang mga pangangailangan ng lipunan.

Sa isang pahayag, ibinahagi ni Usec. Buendia na ang paglahok ng ahensya sa nabanggit na pagtitipon ay upang tuluyang maka-agapay ang Pilipinas sa mga bansang may maipagmamalaking teknolohiya sa pamamagitan ng paghahanap ng mga mamumuhunan at paggalugad ng iba pang oportunidad ng pagtutulungan partikular na sa mga nagsisimulang kumpanya o startup companies at mga unibersidad sa Silicon Valley.

“Similarly, as we vision to continuously be abreast with countries with cutting-edge technologies, we explored potential investment opportunities and areas for cooperation particularly with startup companies and universities in Silicon Valley.”

“Kinikilala rin namin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng grupo ng mga eksperto para sa pag-abot ng hangaring ito kung kaya’t mayroon kaming pangako ng tuloy-tuloy na pagsasalin ng kaalaman at pag-debelop ng katutubong manggagawang pang-agham at inhinyero sa pamamagitan ng Balik Scientist Program,” dagdag niya.

“We also recognize the importance of having a pool of experts in achieving this vision, hence we have the commitment of continuous knowledge transfer and developing our home-grown science and engineering workforce through the Balik Scientist Program.”

Ang DOST ay ang pangunahing ahensya ng gobyerno na may tungkuling magbigay ng sentral na direksyon, pamumuno, at koordinasyon ng mga gawaing may kinalaman sa agham at teknolohiya at siguruhing ang mga resulta mula rito ay nakatuon at magdudulot ng pinakamainam na benepisyong pang-ekonomiya at panlipunan para sa mga Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -