BINUKSAN na ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang pagpili sa natatanging sheriff ng mga regional trial courts (RTCs) sa Pilipinas.
Inihayag ito ni Mr. Nelson Santos, Presidente ng PAPI nitong Sabado, Mayo 5, matapos na pagtibayin ang isang resolusyon ng samahan na ilunsad ang pagpili sa natatanging RTC Sherrif na nakitaan ng mahusay na pagtupad sa tungkulin nang higit pa sa inaasahan ng publiko.
Layunin ng inilunsad na pagpili ay itaguyod at ipalaganap ang mahusay na pagsisilbi sa gawain sa mga hukuman sa bansa.
“The search aims to promote court services excellence in the Philippines,” sabi ni Santos.
Tatawaging “PAPI’s 2023 Competence and Integrity Award” ang patimpalak.
“This Award will be called PAPI’s 2023 Competence and Integrity Award in recognition to Court sheriff’s whose contributions in their professional service and respective communities are worthy of emulation,” sabi ni Santos.
Tatanggap ng isang “Certificate of Beyond Excellence” ang mga nominado na nakitang nakapagbigay ng inspirasyon sa kapwa kawani sa mga hukuman at sa taumbayan dahil sa kanilang mahusay na pagganap sa tungkulin nang higit pa sa inaasahang kahusayan.
Ito ang mga katangiang kailangang mataglay ng mga pipiliing awardees:
1. Mamamayang Filipino.
2. Kailangang 30 taon o higit pa ang edad at taglay ang natatanging pagganap sa tungkulin sa loob ng nakaraang 5 taon.
3. Kailangan na ang nominado ay taglay ang mga mabuting karakter at hindi nahatulang may sala sa anomang kasong kriminal, administratibo at sibil.
Upang matiyak ang kakayahan ng mga nominado, kikilatisin ng Noard of Jurors ang natapos na edukasyon, taglay na karanasan, masinop, kahusayan at katapatan sa tungkulin at tunay na kagalang-galang.
Kailangan din, ang nominado ay walang nakahaing reklamo o kaso sa Office of the Ombudsman.
Ang pipiliing awardee ay kailangang nominado ng mga totoong kasapi ng PAPI, at maluwag sa kalooban ng nominado na humarap para sa gagawing interbyu ng Board of Jurors.
Bubuuin ang Board ng mga opisyal nasyonal ng PAPI.
Tatanggap ng nominasyon simula Lunes, Mayo 15 hanggang Biyernes, Hunyo 9, 2023.
Tungkol sa iba pang impormasyon sa Award, mangyaring tingnan ang PAPI Facebook Page sa nomination forms at iba pang nais na malaman tungkol sa patimpalak.