30.2 C
Manila
Martes, Nobyembre 5, 2024

Mundo, saludo sa mga mandaragat na Pilipino

PANGANGALAGA SA KALIKASAN, POKUS NG ARAW NG MGA MANDARAGAT

- Advertisement -
- Advertisement -

AYON sa ulat ng United Nations Conference on Trade and Development (Unctad) noong 2022, mayroong 1.9 milyong seafarer o mandaragat sa buong mundo na may importanteng responsibilidad na makapaghatid ng mga kalakal, manlalakbay, pagkain, mga gamit na medical, at iba pa sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa bilang na ito ng mga mandaragat, 345,042 ay mga Plipino ayon sa Statista Research Department. Ito ang mga na-deploy na mga mandaragat mula 2016 hanggang 2021 na nagpapatunay na ang Pilipinas ang nangungunang bansa na pinanggagalingan ng mga seafarer mula 1987, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA),

Pangangalaga sa kalikasan

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Mandaragat o Day of the Seafarer ngayong araw, naka-pokus ito sa pangangalaga ng kalikasan. Ito ang pangunahing paksa at tema ng International Maritime Organization (IMO).Kinikilala nito ang gawain ng mga mandaragat na pag-protekta sa kapaligirang dagat.

Kasabay nito, ipinagdiriwang din ang ika-50 anibersaryo ng International Convention for the Prevention of Pollution from Ships o Marpol.


Ayon kay IMO Secretary General Kitack Lim, mahalaga ang papel ng mga mandaragat sa layunin na maging zero-carbon ang karagatan sa hinaharap.

Ito ang nakasaad sa Conference of the Parties o CoP ng mga organisasyon ng United Nations, mga may-ari ng mga barko at mga union sa pagpapatupad ng Shipping Decarbonization Action Plan. Ito ang tugon ng industriya sa pinakabagong pagsasaliksik na tatlong porsyento ng mapaminsalang pollutant ay mula sa mga naglalayag na mga barko. Ito ang dahilan kung bakit nilikha ang Marpol noong Nobyembre 2, 1973.

Iminungkahi ng plano na kailangang palitan ang mga kumbensyonal na langis ng mas mababa o zero-carbon na langis at teknolohiya para maipatupad ang target ng mundo na global warming sa 1.5C o mas mababa sa taong 2050.

Ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (Marina) ang mga ahensyang nagpapatupad nito sa Pilipinas.

- Advertisement -

Samantala, masayang ipinagdiriwang sa Pilipinas ang Araw ng mga Mandaragat sa pamamagitan ng iba’t ibang mga porum, festival at iba pang gawain para kilalanin ang mga Pilipinong mandaragat.

Pagkilala sa mga Pilipinong mandaragat

Nauna na rito, kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ulat na ang Pilipinas ang pinagkukunan ng 25 porsyento ng mga seafarer sa buong mundo at nakapagdala ng 6.71 bilyong dolyar na remittances noong 2022.

Sinabi ito ng Pangulo sa nakaraang Philippine Maritime Industry Summit 2023 noong Pebrero 28, 2023 na pinangunahan ng Department of Transportation (DoTr) at Maritime Industry Authority (Marina).

Idinagdag pa niya na may tinatayang halos 100 nakarehistrong mga barko mula sa ibang bansa ang nakapagbigay ng 30.75 milyong pisong buwis noong 2022. Samantala, mayroong 116 na nakarehistrong mga pagawaan at nagre-repair na sektor ng Marina sa buong bansa.

Dahil dito, idineklara niya na maging “top priority” ang industriya ng maritime at inilunsad ang Maritime Industry Development Plan o MIDP 2028.

- Advertisement -

Layunin ng MIDP 2028

Magkatuwang na binuo ng DoTr at Marian at ilang ahensya ng pamahalaan at mga stakeholders ng industriya, layunin ng MIDP na siguraduhin ang pag-unlad at pagpapalawak ng armada ng mga merchant fleet ng Pilipinas at tiyakin ang pagsulong ng isang nakahandang mga mandaragat.

Ang planong ito ay sumasaklaw sa walong prayoridad na programa mula sa pagpapahusay ng kaligtasan at seguridad sa transportasyong pandagat; pagtataguyod ng pagpapanatili ng kapaligiran; pagpapatupad ng digitalization; paggawa ng makabago, pag-upgrade, at pagpapalawak ng mga industriya sa pagpapadala sa loob at labas ng bansa — kabilang ang lokal na industriya ng paggawa ng barko at pagkukumpuni ng barko; pagtataguyod ng mataas na kasanayan at mapagkumpitensyang maritime workforce; at pagpapatibay ng isang mabisa at mahusay na sistema ng pamamahala ng administrasyong pandagat.

Dagdag dito, magtatatag ang MIDP ng isang sistema na naglalayong bawasan ang mga masasamang epekto ng parehong natural at gawa ng tao na mga pangyayari at maghanda para sa hinaharap at sa mga contingencies nito na maaaring makaapekto sa sektor.

US, Japan nag-alok ng mga trabaho

Kasunod nito, sunud-sunod na mga pagkilala at alok na trabaho sa mga Pilipinong mandaragat ang nangyari mula Pebrero hanggang Mayo ng kasalukuyang taon.

Sa. Isang miting ni Pangulong Marcos sa Washington, inihayag ni John Padget, presidente at CEO ng Carnival Corp. isang grupo ng mga kumpanya sa Estados Unidos ang handang mag-alok ng trabaho sa 75 libong Pilipinong seafarer.

Pinuri ni Padget, kinatawan ng Carnival Cruis Line, Holland American Airlines at Seaport, ang mga Pilipinong seafarer.

“It doesn’t matter whether it’s the marine, deck, hospitality, restaurant…everything is based on the happiness, the smile, and the greatness of the Filipino employees,” (Hindi na mahalaga kung ito ay marino, kubyerta, mabuting pakikitungo, restaurant … lahat ay nakabatay sa kaligayahan, ngiti, at kadakilaan ng mga empleyadong Pilipino,”) sabi ni Padget.

Samantala, sinigurado din ng mga shipping company ng Japan na patuloy silang kukuha ng mga Pilipinong seafarer lalo na at sinigurado ng pamahalaan na patuloy nitong tutulungang maging mahuhusay na seaman ang mga Pilipino.

“The Filipino seafarers play a big role. So having all said, Filipino seafarers are essential to Japanese shipping industry. And so we sincerely and strongly hope that there will continue to be a steady supply of professional and well-trained Filipino seafarers to work alongside us,” (“Malaki ang papel ng mga Pilipinong marino. Ang mga Pilipinong marino ay mahalaga sa Japan shipping industry. Kaya’t kami ay taos-puso at lubos na umaasa na magkakaroon ng tuluy-tuloy na supply ng mga propesyonal at mahusay na sinanay na mga Pilipinong marino upang magtrabaho kasama namin,”) sabi ni Junichiro Ikeda, pangulo ng Japanese Shipowners’ Association (JSA) at chairman ng Mitsui OSK Lines.

Nangyari ito nang makipagpulong si Pangulong Marcos sa mga kinatawan ng Japan. Kinilala ng Pangulo at nagpasalamat siya sa mga investment ng mga Japanese shipowners sa mga maritime training schools na nasa Canlubang, Laguna at Bataan na may 1,200 cadets kada paaralan sa isang taon.

Humigit-kumulang 75 porsyento ng mga tripulante ng Japanese ocean-going vessels ay binubuo ng mga Filipino seafarer at may average na 6,600 Filipino seafarers kada taon ang naka-deploy sa mga sasakyang may Japanese Flag of Registry sa nakalipas na 10 taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -