29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Pagpapahalaga sa sarili, pag-asa, nakamit ng nagtapos sa JobStart

- Advertisement -
- Advertisement -

“MAGSUMIKAP. Huwag bibitaw sa inyong mga pangarap.”

Ito ang panawagan ni Edmark Senupe sa kanyang kapwa nagtapos sa JobStart Life Skills Training (LST) sa ginanap na seremonya sa Iloilo Provincial Capitol noong Hunyo 28, 2023.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo, kinilala ng DoLE ang 79 trainees na nakapagtapos sa 10-araw na Life Skills Training bilang unang pagsasasanay para sila ay mabilis na makahanap ng trabaho.

Si Edmark ay isa sa mga benepisyaryo ng JobStart ng Department of Labor and Employment (DoLE), isang bridging program na tumutulong sa pagbuo ng mga kasanayan, pagpapahalaga sa sarili, at pananaw ng kabataan.

Umaasa siya balang-araw na makakatapos siya ng kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng JobStart.

Nagtapos ng senior high school, hindi nakapagpatuloy sa kolehiyo si Edmark dahil sa problemang pinansiyal. “Tatapusin ko ang programang ito,” aniya. “Pangarap ko pong makatapos ng kursong Hotel o Tourism Management at ito po ay isang oportunidad para makahanap ako ng trabaho at makaipon para sa aking pag-aaral.”

Ang JobStart ay isang programa ng DoLE na inihahanda sa pagtatrabaho ang mga kabataang Pilipino. Sasailalim ang mga kabataan sa career coaching, life skills, at technical training, kabilang ang internship sa mga employer.

Idinagdag ni Edmark na nagkaroon siya ng lakas ng loob, tiwala sa sarili at maging bukas sa lahat ng oportunidad sa pamamagitan ng LST.

Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Iloilo, kinilala ng DoLE ang 79 trainees na nakapagtapos sa 10-araw na Life Skills Training bilang unang pagsasasanay para sila ay mabilis na makahanap ng trabaho. Kabilang dito ang pagtutugma ng trabaho, pakikipanayam at pagpili ng mga employer, paghahanda ng plano sa pagsasanay, pagpirma ng kontrata sa internship, technical training, at panghuli, ang internship.

Ibinahagi naman ni Kessey Mae Oliveros kung paano siya binigyan ng programa ng mga bago at modernong pamamaraan sa pag-a-apply ng trabaho. “Itinuro sa akin ang halaga ng pagiging magalang at pagiging isang propesyonal,” wika niya.

Nagtapos ng Bachelor of Science Major in Hospitality Management, nagpasalamat si Oliveros sa mga benepisyong kanyang natanggap mula sa programa, “Thankful ako sa opportunity. Ito ay lubhang kapaki-pakinabang. Ang mga kabataan ay nabigyan ng pagkakataon na makahanap ng trabaho, at paunlarin at ipakita ang kanilang mga kakayahan.”

Hinikayat niya ang mga kabataan na huwag kalimutan ang kanilang mga pangarap. “Huwag sumuko sa mga hamon. Maraming mga programa tulad ng JobStart na makakatulong sa atin upang maabot natin ang ating mga hangarin.”

Sa mensaheng binasa ni DoLE RO 6-Iloilo Field Office Head Amalia Judicpa, hinamon ni Regional Director Atty. Sixto Rodriguez Jr. ang mga trainees na gamitin sa tama ang kanilang pagsasanay: “Ang mga kabataang Pilipino tulad ninyo ay inaasahan na magiging isang manggagawa na mabilis na makakatugon sa mga pagbabago ng pandaigdigang ekonomiya. Kung kayo ay mabibigyan ng kasanayan at kaalaman na makatutugon sa hinihingi ng merkado ng paggawa, makakaya niyong pantayan ang pandaigdigang pamantayan sa paggawa.”

Hinikayat din ni RD Rodriquez ang mga kabataan na tapusin ang lahat ng learning modules ng programa. “Tapusin ang lahat ng learning modules at sumali sa internship na inaalok ng iba’t ibang kumpanya. Mas maitataas pa ninyo ang iyong mga kakayahan at kasanayan. Hindi niyo dapat sayangin ang pagkakataong ito.Sampung kompanya at commercial establishment ang sumali sa JobStart Wave 2023 na magbibigay ng karagdagang pagsasanay sa mga kwalipikadong kalahok.

Lumagda sa kasunduan ang Endelina’s Inland Resort, SG Food Concepts, Inc, Angelina Bakeshop, EllieCake, Earthgrain (Goldilocks), Theo’s Food Guru Corp., To KayAnn Restaurant, Iloilo Yookwang Inc., Bearland Paradise Resort, Ina Farmers  Learning Site at AgriFarm Inc. sa DoLE RO 6 at sa Iloilo Provincial Government para sa implementasyon ng programa sa kani-kanilang kompanya.

Kasama sina Provincial Administrator Raul Banias, Senior Provincial Board Member Rolando Distura, at PESO Manager Francisco Heller Jr. bilang kinatawan ng Iloilo Provincial Government, at ang mga kinatawan mula sa mga partner-company,  sa pagbibigay ng pagkilala sa mga nagtapos.

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -