29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Filipinas posibleng makausad sa group stage

- Advertisement -
- Advertisement -

MULA sa isang makasaysayang panalo ng Filipinas kontra New Zealand, co-hosts ngayong taon sa FIFA Women’s World Cup, noong Martes sa Sky Stadium sa Wellington, may posibilidad pang makausad sa group stage ang koponan.

Nang maka-iskor ng natatanging goal si Sarina Bolden mula sa pasa ni Sara Eggesvik sa ika-24 minuto ng kanilang huling laban, mahusay na depensa ng goalkeeper na si Olivia McDaniel noong Martes, kinakailangan ulit nilang magpakitang-gilas sa susunod na laban sa darating na Linggo.

Larawan mula sa social media account ni Pangulong Bongbong Marcos matapos nitong mag-post ng pagbati sa makasaysayang panalo ng Filipinas. (BONGBONGMARCOS/TWITTER)

Upang makapasok sa round-of-16 ng Women’s World Cup, importanteng manalo ang Filipinas kontra Norway sa Eden Park sa Auckland. Ito ay matapos ang resulta ng laban sa pagitan ng Switzerland at Norway na nauwi sa iskor na 0-0, noong Hulyo 25.

Kung kaya sa Group A, na kinabibilangan ng Pilipinas, New Zealand, Switzerland at Norway, ay wala pang kasiguruhan kung sinong papasok sa knockout stage. Nangunguna sa group stage ang mga Swiss na mayroong apat na puntos, pareho naman na may tatlong puntos ang New Zealand at Pilipinas at ang Norway ay may isang puntos.

Pahayag ni Alen Stajcic, head coach ng koponan, may “monumental” task o napakalaking trabaho pa ang Pilipinas para makapasok ng knock-out stage. Aniya, agad nilang inilipat ang kanilang pokus sa papalapit na huling laban.

Ayon kay Stajcic mahigpit ang kanilang haharapin kontra sa 1995 world champions na Norway, na mayroong manlalaro na ginawaran pa ng 2018 Ballon d’Or sa katauhan ni Ada Hegerberg. Ang Ballon d’Or ay iginagawad sa pinakamahusay na manlalaro ng buong season sa Europa.

Sa world ranking, ika-46 ang Team Filipinas, habang nasa ika-12 pwesto naman ang Norway.

Ayon kay Stajcic, hindi pa tapos ang kanilang trabaho, at mahalagang bumalik sila sa competition mode at isipin ang gagawin sa huling laban upang makaalpas sa group stage.

“That’s such a monumental task, especially when it’s our third game in just over a week, so we have to recover physically and from the emotion,” dagdag pa nito.

Umangat ang rankings ng Pilipinas sa ilalim ng Australian coach noong 2021, naging kwalipikado sila sa World Cup nang makarating sila sa semifinals ng Women’s Asian Cup noong nakaraang taon.

Ayon kay Stajcic, mahalaga umano ang lahat ng kanilang naranasan sa nakalipas na ilang buwan bilang paghahanda sa nalalapit nilang laban sa mga Norwegian, na crowd-favorite at wala pang nakukuhang panalo sa World Cup.

“The players know the drill. There has been quite a lot of tournament experience in the last 18 months,” ani Stajcic.

“I think we have seen a lot of maturity and growth in the way they carry themselves off the field, let alone on it.”

Inaasahan man na mahihirapan ang Filipinas sa mga koponan sa kanilang group stage, nabago nila ito nang magapi nila ang New Zealand.

Ang magandang senaryo na lamang na hihintayin natin sa Linggo ay manatiling walang panalo ang Norway, dahil mas mababa ang tsansa ng ating mga pambato umusad sa susunod na round kapag naging draw ito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -