29.9 C
Manila
Huwebes, Oktubre 10, 2024

Oportunidad sa trabaho, lalapit sa mga aplikante

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIPAG-PARTNER ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa Megaworld Lifestyle Malls para sa pagsasagawa ng job fair para sa taong 2024 sa mga lugar na madaling puntahan.

Sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MoA) na nilagdaan nina DoLE Secretary Bienvenido Laguesma (itaas na larawan, kanan) at Megaworld Lifestyle Malls Assistant Vice President Michael Lao (itaas na larawan, kaliwa), maglalaan ang Megaworld ng lugar para sa pagsasagawa ng job fair at iba pang mga aktibidad na pangangasiwaan ng DoLE na walang kaakibat na bayad o renta.

Sinabi ni Secretary Laguesma na binibigyang-halaga ng kasunduan ang public-private partnership sa pagkamit ng layunin ng pamahalaan na muling pasiglahan ang paglikha ng trabaho at pabilisin ang pag-angat ng kabuhayan ng mga Pilipino.

Sinaksihan ni DoLE Undersecretary for Employment and Human Resource Development Carmela Torres (ibabang larawan, kanan) ang paglagda sa MoA na ginanap sa DoLE Central Office sa Intramuros, Manila noong ika-13 Oktubre 2023. Kuha ni Alejandro P. Echavez, DOLE-IPS

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -