MULING tumanggap ng Certificate of Recognition ang Laguna Provincial Information Office (PIO) na iginawad ng National Irrigation Administration Calabarzon Regional Office 4A (NIA Region 4A) nitong ika-18 ng Oktubre 2023 sa Pila, Laguna.
Ang pagkilalang ito ay iginawad sa Laguna PIO dahil sa pagsuporta nito sa dalawang araw na KabayaNIAn Agri-Trade Fair 2023. Ilang araw pa bago ganapin ang naturang trade fair ay regular na ipino-post ito ng PIO upang pangganyak sa madla na dayuhin ang trade fair at tangkilikin ang mga produkto ng Calabarzon.
Lubos naman ang pasasalamat ng PIO sa NIA Region 4A dahil sa nasabing parangal.
- Advertisement -