25.8 C
Manila
Linggo, Pebrero 16, 2025

Ano ang epekto ng mataas na interest rates sa ating mga bangko?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPANATILI ng banking system ng Pilipinas ang kanyang lakas kahit na mataas ang interest rates ng bansa dahil sa mahigpit na monetary policy.ย  Hanggang sa ikawalong buwan ng 2023, patuloy pa rin ang paglago ng mga resources, loan portfolio, deposits at capital accounts nila.

Tumaas ang lebel ng resources ng mga bangko nang 8.6 porsiyento sa Agosto 2023, kaunting pagbaba mula 9.6 porsiyento noong buong taon ng 2022. Dahil sa malaking bolyum ng resources, patuloy ang paglago ngย  pautang mga bangko. Ang gross loan portfolio nila ay lumaki mula P12.6 trilyon noong 2022 sa P12.9 trilyon noong Agosto 2023. Bahagya lang ang epekto ng mahigpit na monetary policy sa paglago ng loans na 9.5 porsiyento. Kumpara sa nominal GDP, tumaas pa ang ratio ng pautang sa GDP sa 58.9 porsiyento mula 57.3 porsiyento noong 2022. Kapag tinanggal ang interbank loans o pautang ng mga bangko sa kanilang kapwa bangko, tumaas pa ang net loan portfolio nang double-digit, o 10.5 porsiyento.

Kasabay sa pag-akyat ng loans ang pagbaba ng non-performing loans (NPLs). Ito ang bahagdan ng mga utang na hindi nakakabayad ng interest at principal. Tumaas ito noong pandemya dahil sa kahirapang naranasan ng kalakal at pamumuhunan. Ngunit, patuloy ang pagbaba ang ratio ng NPLs sa loan portfolio pagkatapos ng pandemya, maski noong panahon na hinigpitan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang monetary policy. Bumaba ito sa 1.55 porsiyento kung total gross loans ang gagamitin mulas sa 3.17 porsiyento noong 2022 at 3.97 porsiyento noong 2021. Pag binawas naman ang interbank loans ย at gamitin ang net loans, bumaba naman ito saย  1.37 porsiyento, mas mataas nang bahagya kaysa ang bahagdan na 3.17 porsiyento noong 2022 at 1.85 porsiyento noong 2021.

Saan nanggagaling ang lakas na ito?

Una,ย  ito ay dahil sa patuloy na paglago ng mga bank deposits na lumaki sa P17.9 trilyon mula 17.8 trilyon. Ito ay 8.0% na mas malago kaysa noong 2022. Mataas ang correlation ng bank deposits sa padalang remittances ng OFW. Ito ay 0.94, halos malapit sa 1. Sa estadistika, ang ibig sabihin nito, mataas ang posibilidad na ang ipinadalang pera ng OFW at ang mga sector na kung saan sila gumagasta ay naiipon sa bangko na savings.

Ikalawa, patuloy ang paglaki ng capital accounts ng mga bangko.ย  Lumago ang capital accounts ng mga bangko nang 10.5% sa P2.94 trilyon noong Agosto 2023 mula P2.70 trilyon noong 2022.

Ang paglaki ng kapital ay sumunod sa paglago ng kita o net income after tax na lumago sa P182.8 noong unang anim na buwan ng 2023. Maski anong sukatan ang gamitin โ€” rate of return on assets o rate of return on equity ay mataas kumpara sa nakaraang mga taon โ€” 1 .6 porsiyento kung assets at 13.0 porsiyento ย kung equity naman. Ang return on equity ang kitang napupunta sa stockholder o may-ari ng bangko. Halos doble ito sa consumer price increase na nag-average ng 6.6 porsiyento mula Enero hanggang Setyembre 2023. Ang ibig sabihin nito na kumikita ang mga bangko nang sapat para maiangat ang kanyang kapital.

Kaya pag titingnan ang capital adequacy ratio (CAR) o ang kasapatan ng kapital sa pamumuhunan ng isang bangko, patuloy itong mas mataas kaysa 10 porsiyento na siyang benchmark na sukatan sa Pilipinas. Ang international na sukatan ng CAR ay 8% pero pinili ng Bangko Sentral na Pilipinas (BSP) ng mas mataas na batayan ng kasapatan.

Ang ibig sabihin nito ay malakas ang banking system ng Pilipinas. At kung pipili ka ng malalakas na bangko na kung saan ka mag-iipon, kailangan ay tingnan mo ang kanyang CAR at ang kanyang linis na kita o rate of return on equity bawat taon para ang pera mo ay ligtas na ligtas at ikaw ay makatutulog nang mahimbing at walang pag-alala. Ang mga datos ng mga bangko ay nasa website ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

 

BANKING SYSTEM 3/ 2021 2022 2023
RESOURCES, P Billion 20,821.01 23,497.42 23,461.46 Aug
ย ย ย ย ย ย  Percent Growth 4.0% 9.6% 8.6%
ย ย ย ย ย ย  Percent of GDP 107.3% 109.1% 108.9%
(GROSS) LOAN PORTFOLIO, P Billion 11,389.1 12,613.7 12,964.7 Aug
ย ย ย ย ย ย  Percent Growth 4.8% 10.8% 9.5%
ย ย ย ย ย  % of GDP 60.5% 57.3% 58.9%
(NET) LOAN PORTFOLIO, P Billion 11,022.2 12,251.5 ย  12,614.7 Aug
ย ย ย ย ย ย  Percent Growth 2.0% 11.2% 10.5%
DEPOSITS, P Billion 16,241.0 17,767.4 17,906.0 Aug
ย ย ย ย ย ย  Percent Growth 9.0% 9.4% 8.0%
ย ย ย ย ย  % of GDP 83.7% 82.5% 76.3%
LOAN-DEPOSIT RATIO 67.9% 69.0% 70.4%
CAPITAL ACCOUNTS, P Billion 2,573.9 2,702.0 2,944.74 Aug
ย ย ย ย ย ย  Percent Growth 5.9% 5.7% 10.5%
ย ย ย ย ย  % of GDP 13.3% 12.3% 12.6%
NON-PERFORMING LOANS, % OF TOTAL LOANSย  4/
ย ย ย  GROSS 3.97% 3.17% 1.55% Aug
ย ย ย ย  NET 1.85% 1.31% 1.37%
CAPITAL ADEQUACY RATEย  5/
ย End-December 17.10% 16.10% 16.47% Mar
NET INCOME AFTER TAX 224.8 310.1 182.764 Jun
ย ย ย  % Growth 44.8% 38.0% 12.3%
ย ย ย  % of Total Assets 0.9% 1.2% 1.6%
ย ย ย  % of Total Equity 8.9% 11.9% 13.0%

Sources: Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -