30.4 C
Manila
Miyerkules, Disyembre 4, 2024

Ang effective tariff protection (ETR) at paano nakatutulong ito sa pag-aaral tungkol sa istruktura ng ating ekonomiya

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang effective tariff protection (ETR) at paano nakatutulong ito sa pag-aaral tungkol sa istruktura ng ating ekonomiya? Ano ang mga epekto nito sa presyo ng pagkain? Anong industrya ang maaring mabuhay pag mataas ang taripa ng mga sangkap?

Ang effective tariff protection (ETR) ay sukatan kung gaano kalaki ang proteksyon na ibinibigay sa isang produkto. Dahil ang mga sangkap ay nanggagaling sa iba’t ibang industrya at magkakaiba ang mga lebel ng taripa, kailangang isa-isahin nating kakalkulahin ang bawat epekto ng taripa ng bawat sangkap at isaalang-alang ang bahaging halaga nito sa tapos na produkto.

Sa agrikultura, ang bigas ay pinoprotektahan ng taripang 35 porsiyento sa ATIGA (Asean Trade in Goods Agreement)  at 50 porsiyento sa MFN (Most Favored Nation na nasa labas ng Asean). Dahil 95 porsiyento ng imports natin ay galing sa Asean at 5 porsiyento lang sa labas ng Asean, ang average na taripa ay 35.8 porsieynto. Ngunit may parusa namang taripa sa mga sangkap na kanyang binibili gaya ng pataba at pestisidio na kung saan nagbabayad ng 3 porsiyento dahil ini-import ang mga ito sa labas ng Asean. Ang mga ibang sangkap ay di problema dahil zero duty gaya ng butil na pananim at gasolina. Pag natanggal ang mga ito, ang net ETR ay hindi na 35.8 porsiyento kundi 35.5 porsiyento. Pag ginawa natin ito sa lahat ng produktong pagkain, lalabas ang mga resulta sa Table 1.

Sa Table 1, kitang-kita na pinakamataas ang EPR sa bigas na 35.3 porsiyento; sumusunod ang swine (baboy) na 33.6 porsiyento at pangatlo ang corn (mais) na 5.8 porsiyento. Ang ibig sabihin nito, ang mga konsumer ng bigas ay nagbabayad ng presyong 34.5 porsiyento na mas mataas kaysa presyo ng pandaigdigang palengke. Ganoon din ang mga konsyumer naman ng baboy na nagbabayad ng 33.6 porsiyento na mas mataas na presyo at ang mais ay 5.8 porsiyento na mas mataas ding presyo.

Dahil ang bigas at mais ay sangkap din ng ibang sector gaya ng cattle farming at swine farming, lalabas na negatibo na ang proteksyon ng mga sektor na ito. Negative 13.3 porsiyento ang EPR ng hog farming at negative 7.2 porsiyento naman sa cattle farming.

Ang ibig sabihin nito, kailangang mas efficient ang operasyon ng mga babuyan at sa Pilipinas nang 13.3 porsiyento, at mga bakahan nang 7.2 porsiyento para makalaban nila ang mga papasok na imports.  Kailangan ding mas efficient nang 12.0 porsiyento ang mga nagpo-prodyus ng preserved o canned meat para mabuhay sa kompetisyon. Dahil mataas ang lebel ng efficiency na kailangan, maliit lang ang sector na ito sa ating ekonomiya. Tayo’s umaasa sa imports mula sa ibang bansa para kumain ng karne na hitik sa protina.

Para mabuhay ang mga manufacturer ng feeds na gumagamit ng rice and corn na mataas ang taripa, kailangan ding taasan ang tariff ng feeds sa 35 porsiyento. Ang susunod na problema ay ang mga babuyan, bakahan at manukan na dehado dahil 35 porsiyento na mas mahal ang mga sangkap nila.  Kailangang taasan ang taripa ng mga ito sa 40-50 porsiyento. (Table 2)

Ang magbabayad ng lahat nang ito ay mga konsyumer kasi sila ang nasa dulo ng lamesa. Ang konsyumer ang magbabayad ng presyo ng pagkain na mas mataas sa 40-50 porsiyento kaysa presyo sa pangdaigdigang palengke.

Dahil sa mahal na presyo ng pagkain, matindi ang problema natin sa stunted children. Sabi ng World Bank, sa Pilipinas, isa  sa bawat tatlong  bata na may edad na mas mababa sa lima (o 3.8 milyong katao) ay stunted o bansot. Ang Pilipinas ay panglima sa  mga bansa sa East Asia & Pacific region na may high stunting prevalence, at isa sa 10 countries sa buong mundo na may pinakamataas na numero ng mga batang bansot. Ito ang dahilan kung bakit kailangan natin ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (PPPP o 4Ps).  Malaki man ang nagagasta bawat taon dito na aabot sa P112.8 bilyon sa 2024, kailangan ito para maisalba ang mga batang Pilipino.

Ngunit sa medium-term, para makamit ang mga layunin ng Ambisyon 2040 na kung saan maaalis ang extreme poverty, kailangang gawing moderno at efficient ang produksyon ng pagkain. Hindi na dapat magtatago at aasa ang sector na ito sa matataas na taripa at matinding quantitative restrictions (QRs). Kailangan ang programa ng reporma para salubungin ang mga hamon ng efficient na produksyon.

 

 

Table 1. EFFECTIVE TARIFF PROTECTION
Commodity
Code
001 Rice 35.3%
002 Corn 5.8%
021 Hog farming -13.3%
022 Cattle farming -7.2%
045 Slaughtering and meat packing
   Swine 33.6%
   Bovine animals -8.0%
046 Production, processing and preserving meat -12.0%
060 Prepared animal feeds 19.3%
Notes: Estimated using the Tariff & Customs Code
and the PSA Input-Output Tables

 

Table 2. TARIFFS ON RICE, CORN, MEAT & FEEDS
Commodity Desccription MFN* ATIGA**
Code
0202.01-0202.02 Meat, of bovine animals, fresh, chilled or frozen 10% 0%
02.03 Meat of swine, fresh, chilled or frozen
     In-quota 30% 5%
     Out-quota 40% 5%
02.06 Edible offal, of bovine animals and others
    Of bovine animals, fresh or chilled 7% 0%
    Others, fresh, chilled or frozen 3% 0%
02.07 Meat and edible offal, of poultry, fresh, chilled or frozen
    Of the species Gallus domesticus (Chicken)
       In-quota 40% 5%
       Out-quota 40% 40%
02.07.14.91 Mechanically deboned or separated meat 40% 5%
23.09 Preparation of the kind used for animal feeding
23.09.90     Complete feed
23.09.90.10     Of a kind suitable for poultry 35% 5%
    Of a kind suitable for swine 35% 0%
    Of a kind suitable for prawns 35% 0%
    Of a kind suitable for primates 3% 0%
    Others
        In-quota 35% 5%
        Out-quota 50% 5%
10.05 Maize (corn)
10.05.90A      Others
       In-quota 35% 5%
       Out-quota 50% 5%
10.06 Rice
10.06.10.90     Others
      In-quota 35% 5%
      Out-quota 50% 5%
Notes:    *Most-Favored Nation   **ASEAN Trade in Goods Agreement
Source: Tariff & Customs Code

 

 

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -