29.3 C
Manila
Biyernes, Disyembre 13, 2024

Utang na talo vs utang na panalo

- Advertisement -
- Advertisement -

Uncle, puede mo ba kong  samahan sa tripping sa weekend?

Tripping saan? Bakit may binibili ka bang property?

Opo, uncle. Gusto ko sanang mag-invest sa isang condo unit para mapaupahan ko. Kaya lang uutangin ko din sa bangko. Sana kaya ko yung amortization.

Talaga? Sige samahan kita. Huwag kang mag-Alana. Maganda yang iniisip mo.

Sino kaya sa atin ang walang utang? Mahirap o mayaman ay puwedeng dumaan o nakaranas na mangutang sa kanilang buhay.


Kapag utang ang pinaguusapan, hindi lahat ng tao ay komportable. Parang madalas ay nahihiya tayong umamin sa mga pagkakataong tayo’y nakapangutang, na minsa’y nagsasanla tayo sa pawnshop, o nasa kamay na ng pinagkakautangan natin ng ATM bago pa man dumating ang akinse o katapusan ng buwan,  o di kaya’y pumipirma tayo ng promissory note sa kung saan nakaprenda ang lupa o sasakyan na pinaghirapan natin.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang lebel ng pinautang ng mga bangko sa mga Pilipino para sa consumer loans tulad ng credit card, pautang para sa pagbili ng sasakyan o real property o mga salary-based loans ay umakyat ng 25.4 porsiyento nung Setyembre ng taong ito mula sa kaparehong buwan ng 2022.

Yan ay bahagi lamang ng pormal na sektor. Paano pa kaya yung sa informal na sektor na hindi naitatala, katulad ng mga pautang ng ating mga kamag-anak o kaibigan, mga pautang sa atin ng kumpanyang pinagtratrabahuhan natin  o ang mga hinuhulugan natin na alahas o kahit anong bagay na inalok sa atin ng mga nagpapainstallment o gives-gives na tinatawag natin?

Masama bang mangutang?

- Advertisement -

Hindi masamang mangutang kung kaya mo namang magbayad sa oras at sa kabuuan nito.

Masamang mangutang kung hindi mo naman kayang bayaran sa oras at hindi sa kabuuan nito.

May good or bad ba na utang? O utang na mamahalin ka o papatayin ka?

Oo, may utang na isusumpa mo at may utang din na magpapaganda ng buhay mo.

Ano ba yung utang na kasumpa-sumpa?

Ito yung mga klase ng utang na TALO:

- Advertisement -
  1.  T-emtasyon na gumastos na lampas sa yong kakayahan.
  2. A-agawin nya ang savings mo.
  3. L-alagay ka sa alanganin na sitwasyon katulad ng paguumpisa mong mangutang para bayaran ang isa pang utang.
  4. O-ver ang interes ma pinapataw sa utang at ang halaga ng utang  ay labis sa tunay na halaga ng paggagamitan mo nito.

Ang mga halimbawa ng mga utang na talo ay ang pagbili ng personal na sasakyan na mabilis na bumaba ang halaga dahil sa depreciation at ang mga produkto tulad ng damit at iba pang consummables na panamdalian lamang ang gamit.

Ano naman yung utang na may potensyal na tuparin  ang iyong pangarap na magandang buhay?

Ito yung klase ng utang na PANALO:

  1. P-rodukto o serbiayo na kikita ng pera na lampas sa halaga ng utang mo.
  2. A- bot sa kapasidad mong magbayad.
  3. N-ever na di mo mababayaran ang utang mo in full at sa tamang oras.
  4. A-angat ang lifestyle mo.
  5. L-ong term financial goals mo ay makakamit.
  6. O-ver sa support para sa abilidad mong kumita ng mas malaki.

Ang mga halimbawa ng utang na panalo ay ang panghihiram para sa edukasyon na magiging susi mo sa magandang trabaho, ang pagbili ng bahay, lupa o condo na puedeng paupahan at  siguradong tataas ang halaga kesa  sa presyo ng iyong pagbili sa paglipas ng panahon, o ang pangungutang para sa napagaralang negosyo, maliit man o malaki, na puedeng maiwasang malugi at paghusayang pakitain. Ang utang na panalo ay instrumento mo para unit-unti mong mapalago ang yaman mo at mabuksan ang mga oportunidad para mas umakyat pa ang kalidad ng pamumuhay.

Hindi pare-pareho ang pagtingin ng tao sa utang. Sa iba, lakas ng loob ang pinaiiral. Sa iba naman, bahala na si Lord ang katwiran.

Ito lang naman ang mapapayo ko dyan. Huwag mangutang kung hindi talaga kailangan. Pagsikapang magbudget at mag-ipon. Kung kayo ay uutang,  pag-aralang mabuti ang balanse ng gastos sa interes ng utang at ang benepisyong makukuha. I-monitor ang utang mo at siguraduhing magbayad ng buo at sa nakatakdang oras. Ang pangungutang ay puedeng maging bisyo at maging balakid sa buhay na masaya’t masagana. Disiplina ang katapat ng lakbay tungo sa financial goals mo. Zero-debt ang dapat mong tinitingnan na goal. Doon ka siguradong panalo.

Juan, anong oras yung tripping mo sa weekend? Suportahan kita dyan. Tara.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -