30.5 C
Manila
Martes, Pebrero 18, 2025

DSWD, DENR ginawaran ng PCUP bilang ‘Champions of the Urban Poor’ sa selebrasyon ng UPSW 2023

- Advertisement -
- Advertisement -

KINILALA ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang pagsisikap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapabuti ng kalagayan ng sektor ng maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng mga programa at serbisyo ng PCUP.

Sa culminating activity ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW) na ginanap nito lamang Disyembre 7, 2023 sa Eastwood Richmonde Hotel sa Quezon City, iginawad ni PCUP Chairman and CEO, Undersecretary Elpidio Jordan Jr. ang parangal sa dalawang ahensyang nagpakita ng mga katangian ng pagiging isang “Champion for the Urban Poor” – pagkilalang ibinigay ng PCUP sa unang pagkakataon.

Ang parangal na ito ay kumikilala sa matibay na samahan na nabuo sa pagitan ng PCUP at ng dalawang ahensya na naaayon sa programang pagbabawas ng kahirapan ng administrasyong Marcos sa ilalim ng 8-point socio-economic agenda nito.

Sina DSWD Assistant Secretary for International Affairs at Attached and Supervised Agencies (ASAs) Atty. Elaine Fallarcuna at DENR-NCR Regional Executive Director Jacqueline Caancan, CESO 3rd ang tumanggap ng parangal sa ngalan nina DSWD Secretary Rex Gatchalian at DENR Secretary Antonia Yulo-Loyzaga.

Sa isang mensahe, binigyang-diin ni Sec. Gatchalian na ang pagdiriwang ng UPSW ay nagsisilbing paalala na walang dapat maiwan sa pag-unlad ng isang bansa. Hinikayat din niya ang lahat na makibahagi sa mga prinsipyo ng pagkakaisa, pagda-damayan at hustisya na magsusulong sa hangarin ng bansa na maiangat ang buhay ng sektor ng maralita.

Ang Urban Poor Solidarity Week ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 2-8 ng bawat taon sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 367 upang pasiglahin ang pagkakaisa, diyalogo at pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno, non-government agencies at mga komunidad ng maralitang tagalunsod sa mga partikular na programa at proyekto para labanan ang kahirapan sa kalunsuran.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -