Juan, anong plano mo sa 2024?
Nothing special, Uncle. Trabaho lang at siguro baka makaipon na rin.
Hindi ka pa naman mag-aasawa ano, Juan?
Naku, hindi ko muna iniisip yan. Gusto kong sundin yung mga sinasabi mo, Uncle, tungkol sa pag-save at pag-invest para handa ako pagdating ng panahon.
Good! Dahil sa sinabi mong yan, may sasabihin ako sa yo na kakaibang bersyon ng Ten Commandments. Baka puwede mong gawing panuntunan sa pinansyal na aspeto ng iyong buhay tulad ng pagsunod natin sa Sampung Utos ng Diyos na ibinunyag kay Moses sa Mt. Sinai.
Ten Commandments? Sige Uncle, ready na akong makinig.
Mahalaga sa atin na meron tayong isinasapuso na mga prinsipyo o values na huhubog sa ating kaisipan, kilos at pagtrato sa mga bagay at tao na tutulong sa ating pagkatao at kinabukasan. Lalo na sa pinansyal na pamumuhay, mahirap ang wala tayong sinusunod na parang bibliya kung saan nakatala ang dapat at di dapat nating ginagawa.
Ngayong bagong taon, subukan mong magsimula at sundin ang aking “sampung utos” ng pananalapi:
Thou shall:
- Gumawa ng financial plan.
Ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa lahat ng pinagtitiis mo’t pinaghihirapan? Pasok ka ng pasok sa pinagtratrabahuhan mo. Gusto mo mang mag leave, pero hindi puede. Sa dulo, wala kang napala. Kasi wala kang plano kung saan nakalista ang lahat ng financial goals na gusto kong makamit. At dahil wala kang plano, hindi ka nakagawa ng tamang hakbang para marating mo ang minimithi mong klase ng pamumuhay. Magplano para buhay mo’y sigurado.
- Gumastos ng mas konti sa kinikita.
Huwag tayong magpadala sa uso, sa lifestyle ng iba o makipagsabayan sa mataas na lipad ng Ilan. Kung hindi kaya, huwag ipilit. Piliting gumastos ng hindi hihigit sa pumapasok na kita. Iwasang mangutang para lang makapagyabang. Maging wais. Hindi paşaway.
- Alamın ang kaibahan ng gusto mo sa kailangan mo.
Needs or wants? Ano ba ang priyoridad mo? Uunahin mo pa ba ang gusto mo kesa sa mga talagang pangangailangan — pagkain, bahay, kalusugan, edukasyon — na kapag hindi mo naibigay ay katumbas ng kamatayan ang kapalit. Alamın ang mas mahalaga sa iyong buhay. Ihuli na ang luho para ang buhay ay di gumuho.
- Mag-ipon ng mag-ipon habang kumikita pa.
Ipon is life. Mahirap ang gastos lang ng gastos, tapos uutang ka pa para masunod lang ang layaw o magilusyon sa lifestyle na hindi mo naman kayang isustain. Unahing kaltasin ang 20 porsiyento o higit pa kung kaya sa kinikita at yung natira ang ibudget na gastusin. Piliting mag-ipon ng katumbas ng anim na buwang kita para sa emergency fund. Sa ipon, may aasahang dapithapon.
- Bayaran ang credit card bills o kahit anong klase ng utang.
Pag inutang kailangang bayaran. Hindi masamang mangutang. Pero huwag mangutang kung di kayang bayaran. Pag nalubog ka sa utang, mas mahihirapan kang bumangon lalo na kung natapat ka sa hindi magandang panahon ng ekonomiya kung saan mataas ang interest, nagtatanggalan sa trabaho at mahal ang presyo ng bilihin. Meron akong sinasabi na good vs. bad debt. Ang mangutang para sa pagbili ng bahay at lupa na titirhan mo o para sa investment ay good debt. Pero ang credit card debt, na sadyang nakakaenganyo lalo na yung puede ang installment, ay masakit kung minimum payment lang ang binabayaran mo at papatawan ka ng nakakalulang interest. Simpleng buhay. Bawasan ang utang.
- Mag-budget ng gastusin.
Kailangan mong magbudget para hindi ka lumampas sa dapat lang na ginagastos mo. Ilista mo ang lahat ng gastusin at siguraduhin na mas mababa ito kesa sa kinikita mo at meron ka pang maitatabi na savings. Ang budget ay susi sa buhay na maayos.
- Mag-invest ng tama.
Maganda na sa tamang panahon ay makapag-invest ka sa klase ng investment na naiintindihan mo at handa kang asikasuhin ang mga ito, madali mong mamonitor at tugma sa iniisip mong financial goals, real estate man ito o sa mga financial assets tulad ng stocks, bonds, mutual funds o insurance.
- Umiwas sa mga scams.
Talamak ang scams na pinansyal, lalo na sa online o digital, at tinatarget nito ang mga taong madaling masilaw ng malaking kita sa investment na salapi o yung mga hindi nag-iisip sa mga impormasyon na binibigay nila. Magtanong at magsaliksik bago pumatol sa mga too-good-to-be-true na mga deals o offers na paglalaruan ang imahinasyon mo sa mga bagay na pinansyal. Pag di ka sigurado, huwag kang papa-agrabiyado.
- Protektahan ang sarili at ang pamilya sa mga peligro ng buhay.
Mahalaga na may life insurance ka. Iba’t ibang klase ang insurance na aayon sa pangangailangan mo’t financial goals. Hindi nawawala ang pera mo sa life insurance. Makakatulong pa nga ito sa pag-iipon mo habang protektado ka pa ng iyong pamilya kung sakaling may biglang nangyari at hindi ka handa sa mga pinansyal na epekto na dulot nito.
- Maghanda para sa old age.
Marami sa atin ang tumanda ng walang masasandalang pader at walang maaasahang ipon na mahuhugot sa pagtanda’t pagkakasakit. Mahirap umasa sa pensyon na mabibigay ng gobyerno o sa mga anak na may mga sarili ring problemang pinansyal. Yung ipon lang natin ang makakatulong sa atin. Habang bata, mag-ipon para hindi tayo masosorpresa ng mga krisis na puedeng dumating sa buhay natin — sakit , kawalan ng trabaho, kamatayan sa pamilya, etc. Mag-invest sa retirement plan na inoffer ng mga insurance companies o mga bangko habang maaga pa. Kalımitan hindi sapat ang retirement plan na binibigay ng mga kumpanya ng pinagtratrabahuhan mo lalo na kung ikaw ay hindi magtatagal dun. Kaya maganda na may sarili kang retirement plan.
O, Juan, kaya mo bang sundin ang Ten Commandments na yan? Kasi bagong taon na rin naman, gawin mo ng New Year’s resolution yan. Puwede?