NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador Maria Josefa Imelda “Imee” Marcos hinggil sa tatlong taong ekstensyon ng PUV consolidation.
Ito ang pahayag si Senador Marcos, “Maraming salamat sa kaunting palugit na tatlong buwan, pero ang kailangan natin ay pangkalahatang plano para sa PUV na makatarungan at katanggap-tanggap sa lahat ng operator, drayber, at higit sa lahat mga consumer.”
Dagdag pa niya, “Gamitin natin ang mga susunod na buwan para konsultahin ang bawat sektor upang makabuo ng plano dito.”
“Ito ay isang magandang hakbang patungo sa tamang direksyon. Gayunpaman, ang karagdagang oras na ito ay dapat gamitin hindi lamang para payagan ang mga jeepney driver na sumailalim sa consolidation, kundi para makahanap ng mas magandang solusyon upang payagan ang ating mga Jeepney driver at mga may-ari ng jeep na magpatuloy sa kanilang kabuhayan.
“Sa halip na ialok ang jeepney phase-out, kailangan natin ng isang malawakang estratehiya na nagbibigay-prioridad sa mga pangangailangan ng lahat ng Pilipino. Maaaring kasama rito ang mga sumusunod:
- Modernisasyon ng mga jeep: Pagsasailalim sa retrofitting na may mas malinis na mga makina, pagpapalaganap ng paggamit ng mas malinis na mga fuel, at pagpapabuti ng mga pamantayan sa kaligtasan sa pagmamaneho.
- Pag-iinvest sa imprastruktura: Pagpapalawak at pagpapaganda ng mga kalsada, tulay, at mga sistema ng mass transit para mapaluwag ang masikip na daloy ng trapiko at lumikha ng isang maayos na konektadong network.
- Pagbuo ng mga matatag na alternatibo: Paghikayat o pagpapalakas sa paggamit ng mga electric at hybrid na sasakyan, pagpapalaganap ng carpooling at pagbibisikleta, paggamit ng renewable fuels, at pag-aralan ang paggamit ng iba pang alternatibong masasakyan na mas maliliit at madaling gamitin.