26.4 C
Manila
Huwebes, Disyembre 5, 2024

Bakit umakyat muli ang inflation noong February 2024?  Ano ang kailangang gawin ng pamahalaan para baligtarin ang trend na ito?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

PAGKATAPOS ng apat na sunud-sunod na buwan ng paghina ng year-on-year (YOY) inflation, umakyat ito sa 3.4 porsiyento mula sa 2.8 porsiyento na siyang pinakamababang antas nito  sa nakaraang 29 na buwan.  (Table 1)

Ang dahilan ay ang muling pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo at ang muling pag-akyat ng presyo ng pagkain dahil sa bigas.

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang mercado, sa $81.18/bariles noong Pebrero mula sa $78.86/bariles noong Enero, 2.9 porsiyento na paglago. Dahil dito,  itinulak paakyat ang gastusin sa transportasyon. Mula 0.3 porsiyento noong Enero, biglang sumipa ang inflation ng transportasyon sa 1.2 porsiyento.

Pagkatapos manahimik ang presyo ng pagkain noong Enero, muling tumaas ang presyo ng pagkain. Mula 3.3 porsiyento noong Enero, rumatsada ito sa 4.8 porsiyento noong Pebrero taliwas sa trend mula sa Nobyembre hanggang Enero na pababa ang presyo ng pagkain.  Umakyat ang presyo ng  bigas at karne. Bumagal naman ang pagbagsak ng presyo ng gulay at mais. Sa kabilang dako, patuloy ang pagdausdos ng inflation ng isda, gatas, at asukal. Dahil malaki ang bahagi ng bigas sa basket ng pagkain, 25 porsiyento, nangibabaw ang epekto nito sa buong index ng inflation.

Ang pagdagundong ng presyo ng bigas ay galing sa Pilipinas mismo. Umakyat ang farmgate price ng palay sa 38.6 porsiyento noong Pebrero, sa P25.21 bawat kilo mula P18.19 bawat kilo noong nakaraang taon, ayon sa report ng Philippine Statistics Authority.  Dahil ito sa paglala ng El Nino sa mga palayan sa maraming probinsiya. Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na kasalukuyan nang umiiral ang “strong” El Niño at magpapatuloy itong mararanasan hanggang Pebrero 2024. Kaunti lang ang naitulong ng pagbaba ng presyo ng bigas sa pandaigdigang merkado sa $615-625 noong Pebrero mula sa $660/MT noong huling araw ng Enero.


Ang magandang balita ay patuloy ang pagbaba ng core inflation, mula 3.8 porsiyento noong Enero sa 3.6 porsiyento noong Pebrero. Tinatanggal sa core inflation ang mga volatile o magagalaw na presyo ng pagkain at petrolyo. Ito ay ang underlying trend ng mga presyo at ginagamit ng monetary authorities sa mga aralin nila sa pagtakda ng monetary policy.

Napako sa 0.6 porsiyento ang  month-on-month (MOM)  inflation noong Pebrero, kapareho noong Enero. Ito ay mas mataas kumpara sa 0.2 porsiyento noong Nobyembre at Disyembre. Pag in-annualize ang 0.2 porsiyento na MOM inflation, ito ay aabot lang sa 2.4 porsiyento  na kasing-baba ng 2.5 porsiyento na YOY inflation noong 2019, huling taon bago ang pandemya. Pag-in-annualize ang 0.6 porsiyento MOM inflation, ito ay mataas pa rin sa 7.2 porsiyento at malayo sa mga trend bago noong pandemya.

Sa pagkain, pababa ang trend ng MOM inflation mula 0.8 porsiyento noong Enero sa 0.3 porsiyento noong Pebrero. Mababa ang base ng presyo ng pagkain noong nakaraang tao kaya exaggerated ang YOY inflation ng pagkain. Ang ibig sabihin nito, ang buwan-buiwag pagtaas ng presyo ng pagkain ay pabagal na ang takbo.

Sa non-food category naman,  tumaas ang MOM inflation nito mula 0.5 porsiyento sa 0.7 porsiyento dahil sa presyo ng langis. Hindi na masyadong gumagalaw ang MOM inflation ng housing at utilities, furnishings at transport; clothing and footwear at information and communication.

- Advertisement -

Sa hinaharap, ang paggalaw ng presyo ay depende sa resulta ng food production program ng administrasyon sa gitna ng “moderate-to-strong El Niño.

Nandoon pa rin ang prediksiyon ng World Bank na mananatiling mataas ang presyo ng bigas sa 2024 dahil sa patuloy na export restrictions sa bigas ng India at ang inaasahang “ moderate-to-strong El Niño” na kasalukuyang nananalasa  sa mga bansa sa Asya.  Sa ganang produktong petrolyo naman, patuloy ang pagbaba ng mga presyo nito sa futures market na siyang nagbibigay-hudyat ng magiging presyo sa hinaharap. Ang presyo sa mga produktong ide-deliver sa Disyembre ay $76 kada bariles, mas mababa kaysa sa presyo noong Pebrero na $81.18 kada bariles.

Consumer Prices

(In Percent)

Year on-Year YOY Month-on-month MOM
Nov Dec Jan Feb Nov Dec Jan Feb
ALL ITEMS 4.1 3.9 2.8 3.4 0.2 0.2   0.6   0.6
 Core Inflation 4.7 4.4 3.8 3.6 0.2 0.1   0.4   0.3
I. FOOD AND NON-ALCOHOLIC BEVERAGES 5.7 5.4 3.5 4.6 0.2 0.7   0.8   0.3
   Food 5.8 5.5 3.3 4.8 0.2 0.8 0.8 0.3
       Rice 15.8 19.6 22.6 23.7 2.7 3.5 2.3   1.0
       Meat 0.5 0.2 -0.7 0.7 -0.5 0.6 0.5   1.0
       Fish 4.9 4.8 1.2 0.7 0.4 0.1 1.3 0.3
       Milk 7.6 7.4 5.6 3.5   1.0 0.6  0.2 -0.3
       Vegetables -2 -9.2 -20.8 -11.0 -4 -2.8 -2.0 -0.9
        Sugar 1.5 0.1 -1.0 -2.4 -0.4 -0.4  -0.5 -0.8
        Corn  -3.5 -4.3  -3.3  0.1 0.5
II.ALCOHOLIC BEVERAGES AND TOBACCO 9 10.7 8.4 8.6 0.3 0.5 0.3 0.7
NON-FOOD 2.9 2.6   2.0 2.4 0.1 -0.2 0.5 0.7
III. CLOTHING AND FOOTWEAR 4.3 4.2 3.8 3.6 0.2 0.3 0.3 0.3
IV.HOUSING, WATER, ELECTRICITY, GAS AND OTHER FUELS 2.5 1.5 0.7 0.9 0.3 -0.5 0.8 0.8
V. FURNISHINGS, HOUSEHOLD EQUIPMENT AND ROUTINE HOUSEHOLD MAINTENANCE 4.7 4.5 3.9 3.3 0.3 0.2 0.3 0.4
VI. HEALTH 3.8 3.7 3.3 3.0 0.2 0.2 0.2 0.4
VII. TRANSPORT -0.8 0.4  -3.0 1.2 -0.6 -0.8 0.0 1.3
VIII. INFORMATION AND COMMUNICATION 0.6 0.5 0.5 0.4 0.0 0.0 0.1 0.0
Source: PSA
- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -