30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Robin, muling iginiit ang kahandaan sa sakuna sa pamamagitan ng military training

- Advertisement -
- Advertisement -

MATAPOS makasama ang Pilipinas sa lugar na posibleng maapektuhan ng tsunami dahil sa lindol sa Taiwan, muling iginiit ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla ngayong Miyerkules ang kahandaan ng mamamayang Pilipino sa oras sa sakuna, sa pamamagitan ng military training.

Sa pagsimula ng Basic Citizen Military Course sa Senado, idiniin ni Padilla na ang basic military training para sa mamamayan ay paghahanda hindi lamang sa oras ng digmaan kundi pati sa oras ng kalamidad.

“Iba pa rin kung tayo mismo, trained, alam natin kung anong gagawin natin pag may emergency. Hindi lang ito usapin ng giyera… Itong ginagawa nating ito para sa kapayapaan at kaligtasan ng kapwa natin,” ani Padilla.

Nitong Miyerkules ng umaga, nag-issue ng tsunami warning ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa apat na lugar sa hilagang Luzon matapos tamaan ng malakas na lindol ang Taiwan.

Ani Padilla sa mga taga-Senado na lumahok sa training, hindi pupwede na sa oras na may delubyo o anumang emergency, maputol ang serbisyo ng pamahalaan.

Nagpasalamat si Padilla sa Philippine Navy Naval Reserve Command sa pamumuno ni Maj. Gen. Joseph Ferrous Soriano Cuison para sa training.

“Ang kailangan natin matutunan ang ituturo sa atin paano ang may leader (at) may follower. Dito sa Pilipinas… kaunti ang follower, gusto lahat leader. Dito sa training natin malalaman natin sino ang leader natin, sino ang susundin natin, ano ang protocol natin para sa pagdating ng emergency. Alam natin ang chain of command. Hindi tayo nalilito, hindi tayo natataranta. Lahat tayo may say, lahat may papel, lahat kumikilos,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -