30.8 C
Manila
Sabado, Oktubre 5, 2024

Libreng Edukasyon sa Kolehiyo sa Pilipinas: DBM, naglabas ng P3.744 bilyon para sa Programang Tulong Dunong

- Advertisement -
- Advertisement -

UPANG patuloy na mabigyan ng pagkakataon ang mga estudyanteng Filipino na makapagtapos ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo, inaprubahan ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng kabuuang P3.744 bilyon sa Commission on Higher Education (CHEd).

Gagamitin ang halaga para sa pagpapatupad ng Tulong Dunong Program ng CHEd na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikado at karapat-dapat na mga estudyante na ipinagpapatuloy ang kanilang college degree.

“This scholarship program is a huge help for our dear students, especially those who are having financial difficulty or simply cannot afford to go to college. Providing necessary funds for programs like this gives them a fighting chance to complete their degrees and ultimately give them a better future. As what President Bongbong Marcos said, sa Bagong Pilipinas, dapat ay walang Pilipinong maiiwan,” pahayag ni Secretary Pangandaman.

Inaprubahan ng Budget Secretary ang pagpapalabas ng SARO para sa nasabing layunin noong  ika-15 Abril 2024.

Makikinabang sa halagang inilabas ang may 247,135 student-grantees na naka-enroll sa mga CHEd-recognized public at private higher education institutions, upang matulungan sila sa  gastos sa tertiary education, para sa ikalawang semestre ng Academic Year (AY) 2023-2024 at unang semestre ng AY 2024-2025.

 

Ang Tulong Dunong Program ay isa sa mga bahagi ng Universal Access to Quality Tertiary Education – Tertiary Education Subsidy (UAQTE-TES).

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -