28.6 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

Senator Bong Go, nakasama ang ilang batang pasyente at nakisaya sa 9th Anniversary ng Tebow Cure Hospital sa Davao City

- Advertisement -
- Advertisement -

BINIGYANG-PUGAY ni Senator Bong Go ang pagsisikap at dedikasyon ng mga doktor, nurses, hospital staff, at mga batang pasyente na nakasama niya sa pagdiriwang ng 9th Anniversary ng Tebow CURE Hospital sa Davao City nitong Biyernes, May 3, 2024.

Ipinahayag ng chairman ng Senate Committee on Health ang kanyang pasasalamat sa siyam na taong pagseserbisyo ng ospital at pagsisikap na madugtungan ang buhay ng 10,000 na mga batang nangangailangan ng operasyon. Aniya, dapat ingatan natin ang ating kalusugan dahil ang kalusugan ay katumbas ng buhay ng bawat Pilipino.

Malaki ang kontribusyon ng Tebow sa pagtugon sa pangangailangan ng mga batang may malulubhang sakit, katulad ng cerebral palsy, tumor, trauma, at iba pa.

Kaya para kay Senator Bong Go, hindi matatawaran ang pagmamalasakit at serbisyo ng mga doktor, nurses, at medical staff ng Tebow CURE Hospital.

Muli, bumabati si Senator Kuya Bong Go ng Happy 9th Anniversary Tebow CURE Hospital. Mula sa Facebook page ni Senator Bong Go

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -