TUMANGGAP kamakailan ang Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ng dalawang sasakyan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos ang pagtanggap ng dalawang 7-seater van bilang insentibo matapos makamit ng lungsod ang 7th Seal of Good Local Governance o SGLG Award mula sa DILG.
Ayon sa pamahalaang lungsod, ang nasabing mga sasakyan ay mapupunta sa Panlungsod na Kagawaran ng Kulturang Ugnayan, Turismo at Pagpapaunlad ng Isports, na makatutulong upang mas maging maayos ang transportasyon at pagtanggap ng lungsod sa mga bisita.
Sa ilalim ng SGLG program, ang mga LGUs ay dapat pumasa sa mga sumusunod na governance areas:
- financial administration and sustainability;
- disaster preparedness;
- social protection and sensitivity;
- health compliance and responsiveness;
- sustainable education;
- business-friendliness and competitiveness;
- safety, peace and order;
- environmental management;
- tourism, heritage development, culture and arts; at
- youth development
(Mandaluyong City/PIA-NCR)