MAGANDANG balita! Pinasinayaan kamakailan ng Pamahalaang Lungsod ng Pasay at ng Philippine National Police (PNP) Pasay ang isang police treehouse station sa lungsod.
Pinangunahan nina Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano at Pasay City Police officer-in-charge, PCol. Mario Mayames Jr. ang naturang treehouse.
“Ang tingkad ng kulay at taas ng tree house na ito ay magandang mga simbolismo sa ating pagbibigay serbisyong pampubliko. Ang tingkad ng kulay ay magpapa-alaala sa ating lahat na whatever comes our way, may it be missteps, challenges, and obstacles, kayang kaya natin itong lagpasan. Dahil at the end of the day, the future is still as bright as ever, as bright as the colors of this tree house,” ani Mayor Emi sa kanyang mensahe. (Pasay City/PIA-NCR)