30.2 C
Manila
Linggo, Setyembre 15, 2024

Senador Alan at Pia, nagbigay ng karagdagang livelihood package sa mga residente ng Vigan, Ilocos Sur

- Advertisement -
- Advertisement -

BILANG pagpupugay sa sipag at tiyaga ng mga manggagawang Pilipino, binisita ng opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang Vigan, Ilocos Sur noong May 1, 2024 upang magbigay ng karagdagang programang pangkabuhayan sa 56 residente.

Napaabutan ng napapanahong suporta ang dalawang grupo: Sinait Garlic Growers at isang grupo ng mga magulang sa Sinait.

“Sa tulong na ibinigay sa aming asosasyon, malaking tulong po ito sa pagp-process ng bawang,” sabi ni Reginaldo Tumbaga, isa sa 26 benepisyaryo mula Sinait Garlic Growers na nagpoproseso ng bawang bilang kabuhayan.

Tumanggap din ng mahalagang tulong ang 30 miyembro ng isang grupo ng mga magulang sa Sinait upang mapabuti ang kanilang mga kabuhayan, tulad nang pagpapatakbo ng sari-sari store, pagbebenta ng mga frozen goods, pagtitinda ng bigas, at pag-aalaga ng kambing.

Nagpahayag ng pasasalamat si Erwin de Peralta, isa sa mga benepisyaryo na nag-aalaga ng kambing upang masuportahan ang kanyang pamilya. “Salamat po sa ibinigay ninyong pangkabuhayan, makakaasa po kayo na mapapalaki namin ito, talagang malaking tulong po ito sa amin,” aniya.

Ayon naman kay Reymar Palino, makakatulong sa pang-araw araw na gastusin ng kanyang pamilya ang suportang natanggap. “Ako po ay nagpapasalamat sa napakagandang programa na talagang makakatulong po sa aming mahihirap,” wika niya.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nagbigay ng napapanahong tulong ang magkapatid na Cayetano sa mga nag-aalaga ng kambing sa Sinait, kasunod ng nauna nang pagbibigay ng suporta noong March 16, 2024.

Nakipagtulungan ang mga senador sa Department of Labor and Employment (DoLE) sa pamamagitan ng Integrated Livelihood Program (DILP) nito para magbigay ng tulong pangkabuhayan ang mga residente ng Vigan City.

Layunin ng DILP na palawakin ang oportunidad pang-ekonomiya ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pag-aalok ng tulong upang mapalakas ang kanilang kasanayan na magagamit sa pagnenegosyo.

Naging matagumpay ang aktibidad sa Vigan dahil sa suporta at tulong ni Governor Jerry Singson.

Patuloy sa pagbibigay ng mahalagang tulong ang magkapatid na senador sa mga Pilipino sa buong bansa upang mapalakas ang kanilang kabuhayan at mapalawak ang oportunidad pang-ekonomiya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -