27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

TDAP vaccine sa mga buntis, sinimulan ng Mandaluyong

- Advertisement -
- Advertisement -

MAGANDANG balita! Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang pagbibigay ng tetanus, diphtheria at pertussis (TDAP) vaccine sa mga inang buntis sa buong lungsod.

Pinangunahan kamakailan nina Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos, katuwang ang City Health Department, ang simbolikong pagbabakuna sa mga buntis na nanay.  

Ayon kay City Health Department head Dr. Arnold Abalos, nakita sa mga pag-aaral na nagbibigyan agad ng proteksiyon laban sa mga sakit na tetanus, diphtheria at pertussis (o whooping cough) ang mga ipinapanganak na sanggol kung ang mga ina ay binigyan ng TDAP vaccine sa kanilang third trimester.

Hinihikayat naman ni Mayor Ben at Vice Mayor Menchie ang lahat ng mga buntis na nanay sa lungsod na magpabakuna ng TDAP vaccine.

Kabilang ang TDAP vaccination sa ipinatutupad na Safe Motherhood Program ng pamahalaang lungsod. (Mandaluyong City/PIA-NCR)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -