27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Pagpapalago ng agri-tourism, isusulong ni Sen Lapid

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAPAARAL ngayon ni Senador Lito Lapid ang pagpapaunlad ng Agritourism sa bansa.

Kasunod ito ng pagtalaga kay Lapid bilang pinuno ng Senate Committee on Tourism.

Ayon kay Lapid, bilang magsasaka, isusulong nya ang pagpapalago at promosyon ng agrikultura sa pamamagitan ng turismo at maeengganyo pa ang mga kababayan natin na tangkilikin ang lokal na mga tourism destination.

Sabi pa ni Lapid, ang agri-tourism ay magbibigay-daan sa ating mga kabataan na mahikayat na mag-aral ng agrikultura dahil matatanda na populasyon ngayon ng mga magsasaka.

“Ang promosyon ng farm tourism ay magbibigay sa atin ng magandang hanapbuhay at oportunidad sa mga kabataan para bumalik sa pagsasaka at may dagdag na kita pa sa ating turismo, mga magbubukid at lokal na komunidad,” diin ni Lapid

Ang Agri-tourism ay nakasentro sa agricultural-based activities para makahikayat ng mga bakasyunista o turista na bumisita at matuto sa gawain ng mga magsasaka sa bukirin at rancho.

Kabilang sa mga aktibidad rito ay pagpitas(picking) ng mga gulay at prutas, paggawa ng local wines, pagtatanim ng palay o root crops, pag-aaral sa organic farms, paggatas sa baka, pagsakay sa kalabaw o kabayo, pamimingwit, pagpitas ng coffee beans, farm-to-table dining at maraming iba pa.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -