27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

F2C2 estratehiya para mapalago ang produksiyon at kita ng mga magsasaka at mangingisda

- Advertisement -
- Advertisement -

ANG mapalago ang produksiyon at kita ng mga magsasaka at mangingisda ang layon ng Farmers and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program ng Department of Agriculture (DA).

Ang nasabing programa ay naitatag sa pamamagitan ng Administrative Order No. 27, series of 2020, na nilagdaan noong Agosto 8, 2020.

Kaugnay nito ay isinasagawa ngayon (Mayo 29) sa lungsod ang F2C2 National Cluster Summit na may temang “Mula sa Kanya-kanya, Patungo sa Sama-Sama” na dinadaluhan ng umaabot sa 700 na mga Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Magtatagal ito hanggang sa Mayo 31, 2024.

Si Department of Agriculture Undersecretary and Chief of Staff Alvin John Balabag habang nagbibigay ng kanyang mensahe sa opening ceremony ng F2C2 National Cluster Summit sa Lungsod ng Puerto Princesa, Mayo 28, 2024. (Larawan ni Orlan C. Jabagat/PIa-Palawan)

Sa mensahe ni DA Undersecretary and Chief of Staff Alvin John Balagbag sa pagbukas ng F2CS National Cluster Summit, sinabi nito na walang ibang paraan para maka-prodyus ng mas maraming agricultural products kung hindi magkakaisa-isa ang mga magsasaka.

“Kung watak-watak ang mga magsasaka, ‘yong mga fishermen, maliit lang yong mapo-produce natin.  Pero sa initiative na ito, kung magsasama-sama tayo, at sa suporta ng gobyerno at private sector, mas makakapag-produce tayo ng mas marami; wala tayong ie-export kung tayo mismo hindi natin mapakain ang ating mga sarili,” pahayag ni Balagbag.

Sinabi din ni Balagbag na kailangang palakasin ang mga kooperatiba upang mapadali ang pagbibigay ng mga intervention ng gobyerno.

“Yong intervention ng gobyerno mas mapapadali, mas magkakaroon ng pakinabang kung magsasama-sama ang mga magsasaka, kasi mas maraming intervention ang maibibigay ng DA, mas malaking makinarya, mas maraming pataba, abono para sa inyo na mga magsasaka. Kung individual partners lang po ay mahihirapan po tayo. Kaya dapat po ang sinusuportahan po namin ay ang pagbibigay ng insentibo sa mga kooperatiba, kailangan nating palakasin ang mga kooperatiba natin,” dagdag na pahayag ni Balagbag.

Ayon pa sa kanya, sa pagkakaroon ng malakas na kooperatiba ay mapapalago ang mga magsasaka. Dapat rin daw na ang imahe ng mga magsasaka ngayon ay naka-sasakyan na, kumikita ng maayos, nakapagpaaral ng kanilang mga anak, nakasakay na sila sa combine harvester at hindi na sa kalabaw lang. Magagawa lamang aniya ito kapag ang mga magsasaka ay nagsama-sama.

Inanunsiyo din ni Balagbag na sa mga susunod na buwan ay magkakaroon ang DA ng pag-procure o pagbili ng mas malalaking post-harvest facilities para sa palay at mais, pagtatayo ng mga cold storage, pagkakaroon ng mobile vehicle testing laboratories at iba pang proyekto para sa mga magsasaka at mangingisda.

“Ang vision ng ating pamahalaan para sa ating agrikultura: gusto nating magkaroon ng food sufficiency, gusto natin mapakain natin yong sarili natin bago tayo bumili sa labas, dapat mas mababa ang importation natin ng prime commodities lalo na sa bigas,” pahayag ni Balagbag.

Kasabay ng F2C2 National Cluster Summit ay ang exhibit ng iba’t ibang produkto ng mga FCA mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ilan sa mga mabibili dito ay ang mangga mula sa Guimaras, Tsokolate mula sa Davao, Kasuy mula sa Palawan at marami pa iba. (OCJ/PIA MIMAROPA-Palawan)

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -