29.6 C
Manila
Huwebes, Nobyembre 14, 2024

Pahayag ng mga senador sa pagiging ganap na batas ng Eddie Garcia Law

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPAKAINAM na balita para sa mga nagtatrabaho sa movie at television industry. Ito ang paglalarawan ni Sen. Robinhood “Robin” Padilla sa pagpirma bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ng Republic Act 11996, “An Act Protecting the Welfare of Workers in the Movie and Television Industry.”

Si Padilla, na sumikat bilang action star, direktor at stuntman sa mundo ng showbiz, ang naging principal author at co-sponsor ng ngayo’y batas sa Senado. Ang kapwa niyang showbiz personality na si Sen. Jinggoy Estrada ang nag-sponsor sa batas bilang tagapangulo ng Senate labor committee.

Noong 2022, ihinain ni Padilla ang Senate Bill 450 na naglilista ng safety measures at ibang benepisyo para sa mga showbiz workers. Pinangalanan itong “Eddie Garcia Law” upang gunitain ang beteranong aktor na pumanaw noong 2019 matapos maaksidente sa set.

Sen Jinggoy Estrada, principal sponsor

Ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11996, “An Act Protecting the Welfare of Workers in the Movie and Television Industry” kilala rin sa tawag na “Eddie Garcia Law” ay napakahalagang tagumpay sa pag-protekta sa mga nasa industriya ng pelikula at telebisyon,

Sabi ni Senator Jinggoy, “Ngayon, may malinaw at makatarungan ng mga patakaran na magbibigay ng proteksyon sa kapakanan at karapatan sa trabaho ng mga manggagawa sa TV at movie industry.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta at nagtrabaho para maging ganap na batas na ito, lalong lalo na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Hindi lamang ito isang batas kundi isang simbolo ng pagmamalasakit at pagpapahalaga sa buhay at kapakanan ng mga nag-aambag sa entertainment industry.”

Ipinangalan ito kay Eddie Garcia dahil sa kanyang kagalingan sa pag-arte.

Sen Bong Go, co-author

Bilang co-author, isa si Senator Kuya Bong Go sa nagtaguyod sa Senado upang maipasa ang “Eddie Garcia Law”.

Mandato ng batas na proteksyunan at bigyan ng benepisyo ang mga manggagawa sa movie at television industry sa bansa. Nakapaloob dito ang pagkakaroon ng patas na sweldo; dagdag employment opportunities; at proteksyon laban sa pang-aabuso, mahabang oras ng pagtatrabaho, harassment, delikadong work environment at economic exploitation para sa mga artista at iba pang mga manggagawa sa pelikula at telebisyon.

Sen Remon Revilla pinapurihan ang bagong batas

Pinapurihan ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. noong Martes ng umaga (Mayo 28) ang pagsasabatas ng Republic Act No. 11996 o ang ‘Eddie Garcia Law’ na layong protektahan ang kapakanan ng mga manggagawa mula sa industriya ng pelikula at telebisyo. Si  Revilla ay isa sa may akda ng naturang batas.

“Sa wakas ay tuluyan nang naging batas itong itinulak nating panukala para sa sa kapakanan ng ating mga kasamahang manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon. Nagpapasalamat tayo kay President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. for enacting this law. Sobra akong nagagalak! We fought long and hard for the passage of this measure. This is a victory for our our workers and the industry,” paliwanag ni Revilla.

“Mula noon ay lagi ko na ngang sinasabi, sa industriyang ito na ako isinilang at dito na ako nagkamuwang. Utang ko po sa industriya, sa mga manggagawa, at sa publiko kung nasaan ako ngayon. This is one way of giving back,” dagdag pa nito.

“Malaking trahedya man ang pagpanaw ng isang Eddie Garcia, maganda naman na nagbunga ito sa higit na proteksyon para sa mga artista at manggagawa ng industriya,” dugtong pa ni Revilla.

Tinitiyak ng Eddie Garcia Law na ang mga manggagawa sa pelikula at telebisyon ay mabibigyan ng proteksyon ng kanilang mga employers sa lugar ng kanilang pinagtatrabahuhan. Nakasaad din dito na dapat ay ipatupad ng employer ang tamang oras ng isang ordinaryong nagtatrabaho at maging ang tamang pasahod at kaukulang benepisyo tulad ng social security at iba pang benepisyo, basic necessity, health and safety, working conditions and standards, at insurance para sa manggagawa.

“Tito Eddie, this is for you and our friends and family in the industry. Maraming-maraming salamat for inspiring us to fight for this. Simula pa lang ito para sa tuloy-tuloy na pag-angat ng kapakanan ng ating mga kasamahan,” pagwawakas pa ni Revilla.

Sen Grace Poe, co-author

Nagbigay din ng pahayag si Senator Grace Poe na anak ng yumaong Hari ng Aksyon na si Fernando Poe Jr.

Ani Sen Poe, “Ang ating mga manggagawa sa likod ng entablado o kamera ay mahalaga. Walang bida sa pelikula kung wala sila.

“Sa pag-unlad ng industriya, kasama dapat sila na nababayaran ng sapat, may proteksyon sa trabaho at may oportunidad sa lalong maging mahusay. We will always be grateful to one the Philippines’ greatest actors, Eddie Garcia, who has now become a symbol of the fight for the entertainment workers’ rights and welfare.”

Sen Joel Villanueva, co-author at co-sponsor

Batas na po ang Eddie Garcia Law na naglalayong itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon. Mas mapapaigting po nito ang implementasyon ng Occupational Safety and Health Standards (OSHS) Law na ating inakda at inisponsoran noong 17th Congress.

Ang pagsasabatas po ng Republic Act No. 11996 ay tagumpay ng manggagawang Pilipino lalo na sa mga manggagawang nasa industriya ng pelikula at telebisyon.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -