27 C
Manila
Lunes, Setyembre 16, 2024

Sen Bong Go magbibigay ng P200,000 kada qualified athlete at coach ng Alas Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINAABOT ng chairman ng Senate Committee on Sports na si Senator Bong Go ang kanyang mainit na pagbati sa Alas Pilipinas sa kanyang Facebook page matapos nitong masungkit ang bronze medal sa Asian Volleyball Confederation (AVC) 2024 Challenge Cup sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila nitong Miyerkules, May 29, 2024.

Tinalo ng ating Philippine team ang Australia sa scores na 25-23; 25-15; at 25-7. Naging makasaysayan ang ating pagkapanalo dahil ito ang unang podium finish ng Alas Pilipinas sa AVC.

Buo naman ang suporta ni Mr. Malasakit Senator Bong Go sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at mga team officials. Bilang chairman ng Senate Committee at isa ring kapwa nila atleta, inalam din ng senador sa koponan kung paano niya sila masusuportahan sa mga susunod pang kumpetisyon, at para malaman ang mga pangangailangan ng mga manlalaro at coaching staff.

Inihayag din ni Senator Go sa koponan ang kanyang intensyon kasama ang Philippine Sports Commission na bigyan ng financial support na nagkalahalaga ng P200,000 kada qualified athlete at coach ng Alas Pilipinas.

Ayon kay Jia De Guzman, ang team captain at national squad veteran setter, “It feels surreal. I think it’s going to take a while for it to sink in because we went into this game not expecting anything. We went and we’re not expecting anything and now we’re going home with a medal.”

Nagwagi ang Alas Pilipinas sa lahat ng kanilang laro maliban sa silver medalist na Kazakhstan. Ang Vietnam ang nagwagi ng ginto.

Nitong Mayo 15, 2024, ipinakilala ng Philippine National Volleyball Federation ang bagong pangalan at logo ng national team na Alas Pilipinas.

Masaya ring bumati sa kani-kanilang Facebook page ang ipa pang mga senador.

Ayon kay Senator Imee Marcos “Samahan ninyo ako sa pagbati sa ating Alas Pilipinas sa kanilang pagkapanalo ng Bronze sa 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na umabot sa podium ang Pilipinas sa kompetisyong ito. Mabuhay ang Alas Pilipinas! Mabuhay ang atletang Pinoy!”

Dasal ng pasasalamat ang post ni Senator Alan Peter Cayetano, “Thank You Lord God for The Philippine Women’s National Volleyball Team! For Making The Whole Nation Proud!”

Samantals, simpleng pagbati ang post ni Senator  Sonny Angara,“Congratulations Alas Pilipinas, Mabuhay!”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -