BINATI ng buong staff ng Office of the Vice President of the Philippines sa Facebook page nito si Vice President Sara Duterte na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon, Mayo 31, 2024.
“Sa espesyal na araw na ito, kami ay nagbibigay-pugay sa inyong hindi matatawarang dedikasyon at serbisyo para sa ating bayan.
“Kasama ang milyon-milyong sambayanang Pilipino, nawa’y biyayaan pa kayo ng higit na kalakasan, karunungan, at inspirasyon upang ipagpatuloy ang inyong mga adhikain para sa Diyos, Bayan, at Pamilyang Pilipino.
“Maraming salamat sa inyong walang sawang dedikasyon at paglilingkod.
“Mabuhay po kayo!”