LUMAGO ang trade in goods ng bansa ng 17.2% noong Abril sa unang pagkakataon. Noong unang apat na buwan ng 2024, lumago ang trade ng 1.9% at binura nito ang negatibong numero noong nakaraang tatlong buwan. Ito ba ay pansamantala lamang? O tapos na ang krisis sa world trade at tuloy-tuloy na ang panumbalik ng dating sigla ng pandaigdigang merkado?
Pagkatapos ng 16 na buwang pagbagsak, tumaas ang total trade in goods noong Enero hanggang Abril 2024. Lumukso ng 1.9% ang naitalang total trade na umabot sa $64.65 bilyon. (Table 1) Nanumbalik ang sigla ng exports at imports of goods noong Pebrero pa ngunit itoý panandalian lamang. Pagkatapos umakyat noong Pebrero, bumaba ulit ang total trade noong Marso. Ngunit bumalik ang paglago ng total trade sa Abril 2024. Noong Abril, umabot ang trade in goods sa $17.2 bilyon, na mas mataas kaysa sa nakaraang taon. Umakyat ang exports ng 26.4% samantalang ang imports ay lumago ng 12.6%.
Alin ang produktong nag-ambag sa paglagong ito? Anu-ano ang mga bansang nag-ambag sa paglago ng exports?
Sa ganang exports, ang pinakamalaking paglago ay naitala ng electronics, ang pinakamalaking export product ng Pilipinas. Rumatsada ito pataas sa $14.0 bilyon mula sa $11.9 bilyon noong nakaraang taon. Nagsimulang lumago ang electronics market noong Disyembre 2023 na nagpatuloy hanggang Abril. Lumago rin ang chemicals (18.5%) at fruits and vegetables (10.9%). Ngunit bagsak pa rin ang copper metal (-13.4%) at garments and apparel (-6.2%). Ang madilim na outlook sa consumer goods ay dahil sa dampening impact ng mataas na inflation sa consumer demand. Dahil tumaas ang inflation ng mga produktong ito, inaasahang bumagsak ang demand. Ang hindi lang masyadong naapektuhan ay ang mga produktong tinatangkilik ng mga kabataan, mga tinatawag na millennials, na mahilig sa mga produktong elektroniko at gumagamit ng mga gadgets na gaya ng cellphones at computers sa pang-araw-araw na trabaho, komunikasyon, at libangan.
Sa ating export markets, sa 20 na pinakamalaking bansa, anim na lang ang nagpakita ng pagbagsak. Kasama sa mga bumagsak na markets ang China, Singapore, Germany, Switzerland, Canada, at Australia. Ang mga produktong inangkat ng anim na bansang ito ay kumakatawan ng 28.3% at 21.4 ng exports natin noong 2023 at sa unang apat na buwan ng 2024, respectively. (Table 2) Ang mga 14 na bansa na may positibong paglago ang mga pinakamabilis at pinaka-resilient na ekonomiya sa buong mundo. Kasama rito ang apat na bansa sa Asean, ang 3 newly industrialized countries ng Asya (ang tinatawag na NICs), at ang dalawang advanced countries Japan at Estados Unidos. Tila mabilis silang nakapanumbalik mula sa pinakamalubhang pandaigdigang krisis kaya maaaring papaganda na ang panginorin kumpara sa masungit na panahon noong 2023.
Sa imports naman, ang pinakamalaking pag-akyat ay naitala ng mga produktong petrolyo na lumago ng 33.0%. Dahil ito sa 31.5% na pag-akyat ng volume at 1.1% na pag-angat ng presyo. Ang produktong petrolyo ay may inelastic demand. Ang ibig sabihin nito, kahit na tumaas ang presyo nito, hindi masyadong naaapektuhan ang volume na inaangkat. Ang ibig sabihin ng malakas na paglago ay umaasa ang industriyang petrolyo sa Pilipinas na magiging maganda ang demand sa kanilang produkto sa mga susunod na buwan.
Sa mga major imports, umakyat din nang bahagya ang power generating and information technology machinery imports (1.6%). Ngunit bagsak pa rin ang imports ng electronics components (-12.0%), telecom equipment at electrical machinery (-11.5%), at transport equipment (-2.8%). Dahil ang mga makinarya ay kasama sa mga investment goods na ang demand ay nakakabit sa galaw ng interest rates, inaasahang hindi pa tuloy-tuloy ang paglago ng mga produktong ito. Ang US Federal Reserve Bank ay inaasahang magbabawas ng interest rates sa ikatlo o ikaapat na quarter pa. Hindi magagawang unahan ng Pilipinas ang Estados Unidos sa pagtapyas ng interest rates dahil ayaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumagsak nang malakihan ang halaga ng piso kontra dolyar.
Ang ibig sabihin nito, magalaw ang direksiyon ng export at import demand habang hindi pa nareresolba ang pandaigdigang suliranin sa inflation at interest rates. Kapag mataas ang inflation, patuloy na maging matumal ang demand ng consumer goods. Kapag mataas ang inflation, hindi maibababa ng mga bangko sentral sa buong mundo ang interest rates. At habang mataas ang interest rates, matumal ang investment na siyang pinakamalaking salik sa volume ng imports ng Pilipinas.
TABLE 1. TRADE IN GOODS,
JANUARY-APRIL 2023-2024 - Advertisement -
BALANCE OF TRADE, US$ Million |
2023 | 2024 | As of | % Growth |
January-December | (51,974) | (57,083) | Proj | 9.8% |
January-April | (19,287) | (16,267) | -15.7% | |
April | (4,832) | (4,761) | -1.5% | |
BALANCE OF TRADE, % of GDP | ||||
January-December | -11.9% | -11.2% | Proj | |
January-April | -13.2% | -9.6% | ||
April | -13.3% | -11.2% | ||
TOTAL TRADE, US$ Million | ||||
January-December | 199,018 | 211,479 | Proj | 6.3% |
January-April | 63,437 | 64,651 | 1.9% | |
April | 14,665 | 17,193 | 17.2% | |
MERCHANDISE EXPORTS, US$ Million | ||||
January-December | 73,522 | 77,198 | Proj | 5.0% |
January-April | 22,075 | 24,192 | 9.6% | |
April | 4,916 | 6,216 | 26.4% | |
ELECTRONICS 2/ | 11,904 | 14,036 | Apr | 17.9% |
MACHINERY & TRANSPORT EQUIPMENT2/ | 794 | 806 | Apr | 1.5% |
FRUITS & VEGETABLES | 721 | 800 | Apr | 10.9% |
COPPER METAL | 624 | 540 | Apr | -13.4% |
CHEMICALS | 569 | 675 | Apr | 18.5% |
GARMENTS & APPAREL | 214 | 201 | Apr | -6.2% |
MERCHANDISE IMPORTS, US$ Million 3/ | ||||
January-December | 125,496 | 134,281 | Pr | 7.0% |
January-April | 41,362 | 40,458.9 | -2.2% | |
April | 9,748 | 10,977 | 12.6% | |
POWER-GENERATING & IT MACHINERY | 3,438 | 3,494.8 | Apr | 1.6% |
TELECOM EQPMT & ELECTRICAL MACHINERY | 6,106 | 5,401.4 | Apr | -11.5% |
ELECTRONICS COMPONENTS | 2,741 | 2,413 | Apr | -12.0% |
MINERAL FUELS & LUBRICANTS | 6,976 | 6,591 | Apr | -5.5% |
TRANSPORT EQUIPMENT | 3,623.4 | 3,522.5 | Apr | -2.8% |
Source: Philippine Statistics Authority, DBCC (for projections (Pr))
Table 2. PHILIPPINES’ LARGEST EXPORT MARKETS
Countries | 2023 | 2024 | Annual Growth Rate (%) |
|
Percent Share (%) |
Percent Share (%) |
Cumulative | ||
(2) | (8) | (10) | ||
Total Exports | 100.0 | 100.0 | 9.6 | |
Top 10 Countries Total | 81.7 | 80.8 | 8.6 | |
1 | Hong Kong | 12.3 | 14.2 | 52.3 |
2 | United States of America | 14.5 | 15.5 | 19.9 |
3 | Japan | 13.1 | 13.8 | 0.1 |
4 | China | 15.8 | 11.8 | -20.9 |
5 | Republic of Korea | 5.2 | 5.6 | 33.1 |
6 | Thailand | 4.3 | 4.2 | 3.4 |
7 | Taiwan | 3.4 | 4.1 | 34.5 |
8 | Singapore | 5.6 | 3.9 | -26.3 |
9 | Germany | 4.0 | 3.5 | -1.9 |
10 | Netherlands | 3.6 | 4.1 | 27.4 |
Other Countries | 18.3 | 19.2 | 14.2 | |
11 | Malaysia | 2.8 | 3.0 | 18.5 |
12 | Vietnam | 2.0 | 2.7 | 30. |
13 | Indonesia | 1.4 | 1.2 | 18.7 |
14 | Switzerland | 1.4 | 0.8 | -1.4 |
15 | Mexico | 1.3 | 1.2 | 5.7 |
16 | India | 1.2 | 1.5 | 14.5 |
17 | Australia | 0.7 | 0.7 | -7.2 |
18 | UK | 0.7 | 0.8 | 14.1 |
19 | Canada | 0.8 | 0.7 | -11.7 |
20 | United Arab Emirates | 0.4 | 0.5 | 20.3 |
21 | Others | 5.6 | 6.2 | 15.3 |