32.2 C
Manila
Sabado, Oktubre 12, 2024

BM, inilunsad ang LGSF – Green Green Green Program, nag-isyu ng alituntunin sa pagpapalabas at paggamit ng pondo

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGLABAS ang Department of Budget and Management (DBM) ng guidelines sa pagpapalabas at paggamit ng pondo sa ilalim ng Local Government Support Fund (LGSF)-Green Green Green Program sa FY 2024 General Appropriations Act (GAA).

Ang pagpapalabas ng mga alituntunin ay kasabay ng paglulunsad ng LGSF – Green Green Green Program at inagurasyon ng Roxas Boulevard Promenade Project, kasama ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Metro Park sa Lungsod ng Pasay nitong Huwebes, ika-11 ng Hulyo 2024.

“With the launch of the Green Green Program and today’s inauguration of Roxas Blvd. Promenade Project, we are able to take a huge step towards fulfilling the President’s goal of a Bagong Pilipinas, where every Filipino is committed to the improvement of life in the community, involved in contributing to the maintenance of a healthy ecology, and devoted in providing secure environments that will benefit future generations,” ani DBM Secretary Amenah “Mina” Pangandaman sa paglulunsad ng programa.

Ang Green Green Green Program sa ilalim ng LGSF ay dinisenyo upang suportahan ang mga benepisyaryong probinsya, lungsod, at munisipalidad sa pagsusulong ng green open spaces at mga proyektong pang-imprastruktura para sa active mobility. Layunin nito na paunlarin ang mga mas luntiang, mas buhay, at well-connected na public open spaces, na magpapalaganap ng aktibong pamumuhay at magpapabuti sa pangkalahatang kalusugan ng komunidad.

“Hindi lang po natin mapapaganda ang kapaligiran at imprastruktura, kung hindi ay magagawa din nating ibsan ang masamang epekto ng climate change, tulad ng malubhang init, polusyon, at pagbaha. Malaki po ang maitutulong nito sa ating mga komunidad lalo na sa pagpapabuti ng kalusugan at kalidad ng pamumuhay ng ating mga kababayan,” paliwanag ni Secretary Mina, na binigyang-diin kung paano rin nakatutulong ang programa sa pagbabawas ng masamang epekto ng climate change.

Sa FY 2024 National Budget, inilaan ang kabuuang ₱1.055 bilyon para sa Green Green Green Program ng 80 lokal na pamahalaan sa buong bansa, kabilang ang 38 probinsya, lungsod at munisipalidad sa Luzon, 21 sa Visayas, at 21 sa Mindanao.

Ang pondo ay nakalaan para sa pagtatayo, rehabilitasyon, pagsasaayos, o pagpapabuti ng mga green open spaces, kabilang ang mga pampubliko at mga municipal park at plasa.

Bukod dito, ang programa ay naglalayong suportahan ang mga proyektong pang-imprastruktura tulad ng mga bike lane, bike rack, elevated o at-grade pedestrian footpath, walkway, sports facility, at recreational trail upang magbigay ng komportableng at maayos na kapaligiran para sa mga Pilipino.

Ayon sa alituntunin ng DBM, lahat ng proyektong susuportahan ng LGSF-Green Green Green Program ay dapat sumunod sa acceptable design concepts, environmental principles, at safety requirements.

Imomonitor at i-evaluate ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung paano ipinatutupad ng mga lokal na pamahalaan ang mga proyektong pinondohan ng LGSF. Dapat kasama sa pagmomonitor at evaluation ng mga proyekto ang mga prinsipyo ng participatory governance sa pamamagitan ng whole-of-government approach ng Administrasyon upang matiyak ang kalidad, pagiging maagap, transparency at accountability sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Samantala, ang Roxas Boulevard Promenade, isang mahalagang bahagi ng Adopt-a-Park initiative, ay nagbubukas ng bagong yugto sa pag-unlad ng mga accessible at maluwang na pampublikong lugar sa buong Metro Manila.

Sinusuportahan ng parehong inisyatiba ang Build Better More Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at tumutugma sa mga prayoridad na nakasaad sa Philippine Development Plan 2023-2028. Binibigyang-diin din ng mga pagsisikap ang halaga ng kooperasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya at mga public-private partnership sa paglikha ng sustainable, livable, at resilient na komunidad para sa mga Pilipino.

Kasama ni Sec. Mina si MMDA Acting Chairman Romando Artes sa pangunguna sa seremonya. Dumalo rin sa okasyon ang mga kilalang personalidad gaya nina Senador Loren Legarda, DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, Philippine Reclamation Authority Chairman Alexander Lopez, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, Federal Land Inc. Chairman Alfred Ty at President William Thomas Mirasol, at iba pang mga opisyal.

“Sec. Mina, congratulations! We are incredibly proud of you and the entire DBM family,” sabi ni Senator Legarda sa simula ng kanyang keynote speech.

“It was way back in 2017 during the time of then-DBM Secretary Ben Diokno that Amenah was a very young Undersecretary who supported the Green Green Green project. I’m glad to see that almost eight years later you are continuing this passion project,” paggunita ng kampeon ng environmental protection.

“I’m sorry if I really go off script because I’m very passionate about the work I do and Mina knows my passion is boundless,” paliwanag ni Senator Legarda sa pagtatapos ng kanyang mensahe.

“All the laws that we’ve written, fund, support, and enact, will be to naught if you do not join us in this journey towards a green, green, green Philippines,” pagtatapos ni Senator Legarda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -