27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Higit P31.5M halaga ng droga, nakumpiska sa Mimaropa

- Advertisement -
- Advertisement -

HIGIT P31.5 milyon ang kabuuang halaga nang ipinagbabawal na gamot na nakumpiska ng Police Regional Office (PRO) Mimaropa sa buong rehiyon sa nakalipas na dalawang taon.

Sa ulat ni Police Brigadier General Roger Quesada, regional director ng PRO Mimaropa sa Kapihan sa Bagong Pilipinas na isinagawa sa Oriental Mindoro nitong, Agosto 6, pumalo sa P31,537,413.72 ang total value ng nakumpiskang illegal drugs sa rehiyon mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 30, 2024.

Nasa 723 naman ang bilang ng mga drug operations na naitala ng Police Regional Office na nagresulta para maaresto ang 833 na drug personalities at makumpiska ng 3,688.93 gramo ng shabu at 4,792.92 gramo ng marijuana.

Samantala, sa ilalim ng Barangay Drug Clearing Program ng Philippine National Police, umabot na sa 1,124 ang bilang ng drug-cleared barangays sa buong Mimaropa, kung saan sa pakikipagtulungan sa local anti-drug councils ay pumalo sa 18,729 katao ang bilang ng mga graduates sa recovery at wellness program ng PNP. (RAMJR/PIA MIMAROPA – Marinduque)

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -