27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

3 local hospital bills, sinuportahan ni Sen Bong Go sa Senado

- Advertisement -
- Advertisement -

INISPONSORAN ni Senator Bong Go, chairperson ng Senate Committee on Health, ang ilang local hospital bills para sa pagpapatayo at pag-upgrade ng mga ospital ng gobyerno sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa kanyang sponsorship speech sa Senado noong Martes, August 6, 2024, sinabi niyang dahil sa Covid-19 pandemic ay napagtanto ng bansa ang importansiya ng pagkakaroon ng maganda at maayos na healthcare facilities ng mga pampublikong hospital.

Napagtanto rin ang ating pangangailangan ng mas malakas pa na healthcare system para laging handa ang ating mga pampublikong ospital na magserbisyo sa mga pasyente, at epektibong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino.

Ito ang inaasahang maresolba ni Senator Bong Go sa pagsusulong niya sa 13 na local hospital bills sa senado.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -