27.4 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

Housing Sec Acuzar nagpasalamat kay PBBM sa pag-apruba ng sovereign guarantee para sa 4PH program

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPASALAMAT ang Department of Human Settlements and Urban Development  DHSUD kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pag-apruba ng sovereign guarantee para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) program.

Sa isang press briefing, ibinahagi ni Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar na sa pamamagitan ng guarantee, mapabibilis ang implementasyon ng 4PH program dahil lalakas ang kumpiyansa ng mga private sector partners sa programa.

“Kami po sa DHSUD, kasama na ang key shelter agencies, ay lubos pong nagpapasalamat sa mahal na Pangulo, sa ating economic managers sa kanilang suporta. I am optimistic that this guarantee will make the difference in our quest to finally address homelessness in the country,” sabi ni Acuzar.

“This guarantee is another solid testament of our President’s commitment to uplift the lives of all Filipinos by providing decent yet affordable shelters through whole-of-nation approach. Sa pamamagitan nito, mapapabilis po natin ang pagsulong ng 4PH sa buong bansa dahil mas malakas ang kumpiyansa ng ating mga private partners sa programa,” dagdag pa niya

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -