26.5 C
Manila
Miyerkules, Setyembre 18, 2024

Abalos nagbabala sa publiko laban sa maling impormasyon tungkol sa Bataan oil spill

- Advertisement -
- Advertisement -

PARA maiwasan ang fake news tungkol sa Bataan oil spill, ang inter-agency task force ay magsasagawa ng lingguhang inspeksyon at briefing para ipagbigay-alam sa publiko ang aktwal na mga lugar na apektado.

Ginawa ni Interior and Local Secretary Benhur Abalos ang announcement nitong Sabado, matapos magsagawa ng aerial inspection para malaman kung gaano kalawak ang naapektuhan.

“Kaya namin ginagawa ito kasi ayaw naming magpanic ang mga tao, ” sabi ni Abalos.

“Anything na there’s tsismis, na there is misinformation, doon magkakaroon ng haka-haka. Doon magkakaroon ng panic at alarm,” dagdag ni Abalos.

“Ito yung ipinangako namin sa inyo, na tayo’y lilibot para makita ninyo ang actual [situation]. Ano yung nangyayari on the ground. Yung gusto naming ipakita na handa ang national government dito sa lahat ng aspeto,” paliwanag niya.

Sa kaugnay na pangyayari, sinabi ni Abalos na suportado niya ang imbestigasyon ng Department of Justice (DoJ) hinggil sa “pa-ihi” system at umaasang maglalantad ito ng lahat ng mga may kinalaman dito.

“Dapat imbestigahan ito at yung mga may kasalanan naman, ay talagang dapat idemanda,” sabi ni Abalos.

Ang “pa-ihi” system ay isang paraan na ginagamit ng mga smuggler para iwasan ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng paglilipat ng kanilang mga produktong langis sa mga maliliit na barko bago ang aktwal na delivery.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -