28.5 C
Manila
Lunes, Setyembre 9, 2024

To be or not to be an Olympian

MGA KUWENTO NI PERANG (ESTE PARENG JUAN)

- Advertisement -
- Advertisement -

UNCLE, nakakakilabot nung pinatugtog sa Olympics yung Pambansang Awit natin! Ang galing ni Carlos Yulo!

Tama ka dyan, Juan. Pagkatapos ni Heidilyn sa Tokyo Olympics nung 2020, ito na muli at pinagtibay na di lang sa musika at pelikula magaling ang Pinoy, pang-sports pa!

Opo nga, Uncle. Sa laki ng hirap at pagta-tyaga ni Carlo, deserve nya yan. At siyempre, malaking karangalan ng ating bansa ang kanyang pagkapanalo ng Gold! At hindi lang once, twice pa! Wow! Salamat, Carlos!

At salamat din, Juan, sa host country, France, kasi hindi madali ang maghost ng isang Olympics, lalo na’t nakatingin ang buong mundo sa lahat ng galaw mo at may mataas na ekspektasyon na ito ay magiging mas matagumpay, mapayapa at pabuloso kaysa sa mga naunang Olympics.

Pero alam mo ba na mabigat ang responsibilidad at obligasyon ng isang host country at matindi ang mga kailangang preparasyon at pagplaplano para maisakatuparan ang lahat ng naisip para sa ikakatagumpay ng isang Olympics. Mgandang pag-usapan natin ang economic at financial costs and benefits sa isang host country para maitayo ang isang Olympics extravaganza.


Unahin muna natin ang mga benefits. Dalawang klase yan. Ang tangible benefits o  ang mga bagay na makikita at masusuri mo sa mga datos tulad ng:

  1. Pagtaas ng public spending o iyong paggastos ng gobyerno sa mga infrastructure;
  2. Pagtaas din ng private spending o iyong paggastos ng pribadong sektor sa mga economic activities;
  3. Pag-angkat ng revenues mula sa ticket sales, merchandise, at sponsorship at broadcasting rights;
  4. Pagdami ng trabaho lalo na sa construction at service sector;
  5. Pag-angat ng turismo; at
  6. Pagbuti ng antas ng kalidad ng lokal na pamumuhay.

Meron ding mga intangible benefits o mga bagay na mararamdaman at mararanasan natin bilang mga mamamayan sa bansa tulad ng:

  1. Pagtalaga sa host country sa mapa ng mundo;
  2. Pride at dignity para sa host country at sa mga tao nito;
  3. Pagtaas ng international image at branding ng bansa;
  4. Pagmamahal sa bansa;
  5. Pag-angat ng civic duty;
  6. Pagtaas ng kumpiyansa sa kakayahan ng bansa tungkol sa organization, planning at execution;
  7. Edukasyon sa sport at Olympic values sa mga kabataan;
  8. Pagpapalawig ng values ng diversity, inclusion at cooperation.

Kailangan balansahin ang mga benefits na ito sa mga risks at costs ng paghohost ng Olympics tulad ng:

  1. Ang pagkakaroon ng utang ng bansa dahil sa mataas na budget para sa infrastructure, construction at operating expenses;
  2. Ang mga pagkawala ng investment sa iba pang public priorities lalo na sa social services tulad ng health at edukasyon;
  3. Ang masamang epekto sa environment dahil sa turismo at iba pang economic activities; at
  4. Ang post-Olympics challenges tulad ng pag-maintain at paggamit ng mga gusali, venues at infrastructure.

Hindi kaila na katulad ng nangyari sa 2004 Athens o sa Rio de Janeiro 2016, hindi sila pinalad at mas malaki ang disgrasya sa kanilang ekonomiya ang dinulot ng mga gastusin at iba pang pinansyal na dynamics sa pagtaguyod ng Olympics.

- Advertisement -

Kailangan ang isang masinsinang pagplaplano, stratehiya sa sustainable development at mas realistic budgeting para mas madama ang positibong epekto ng Olympics sa ekonomiya ng isang bansa.

Katulad din yan ng financial planning para sa ating mga sarili. Alamin at intindihin ang costs at benefits ng ating mga financial decisions.

Hindi puwede ang sige lang ng sige dahil gusto lang natin o di kaya’y nabubudol tayo sa estilo ng pamumuhay ng iba kahit na maluwag pa sa sikat ng araw na hindi pa natin kaya at kailangan pa tayong magipon ng magipon para makamit ang ating mga pangarap sa buhay.

Parang si Carlos Yulo. Namuhunan s’ya ng disiplina, tiyaga, pagpupursige, paghihirap, pag-focus, at isang makabuluhang sakripisyo para maging mahusay, world-class at Olympic gold star.

Kaya mo bang magkaroon ng disiplina sa pag-iipon?

Matiyaga ka bang maglista at mag-budget ng iyong gastusin?

- Advertisement -

Nagpupursige ka ba at nagpo-focus sa iyong trabaho para ikaw ay umasenso at magkaroon ng mas mataas na income?

Malinaw ba sa iyo na kailangan mong magsakripisyo muna sa mga materyal mong mga gusto, kahit hindi mo ito kailangan, at unahin ang trabaho, ipon at pagtitipid para makamit mo din ang mga ito sa tamang parahon?

O, Juan, kaya mo bang maging isang Carlos Yulo?

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -